BACON CUT PORK with CREAMY BASIL SAUCE
May nabili akong bacon cut pork the last time na nag-grocery ako. Nung una ang nasa isip na luto na gusto kong gawin dito ay stir fry lang na may kasamang mix vegetables.
Hindi ako nag-i-stock ng gulay sa fridge. Nasasayang kasi kung hindi naman nagagamit. Kaya ang ginagawa ko, kung kailan na lang kailangan saka ako bumibili.
Nang makita ko ang bacon cut pork na ito, nawala sa loob ko na bumili ng gulay at isasahog ko pa dito. Kaya naisipan ko na lutuin ko na lang ito kung ano ang available sa cabinet at sa fridge. At yun nga, nabuo ang dish na ito.
Simple lang ang dish na ito. Kahit siguro mga beginners na nagluluto ay magagawa ito. Try nyo...masarap at malinamnam ang sauce.
BACON CUT PORK with CREAMY BASIL SAUCE
Mga Sangkap:
1 kilo Bacon cut Pork
1 cup Chopped Fresh Basil Leaves
1 tetra brick All Purpose Cream
1 head Minced Garlic
1 large Onion sliced
1 tsp. Maggie Magic Sarap (optional)
2 tbsp. Canola oil
Salt and pepper to taste
Paraan ng Pagluluto:
1. Sa isang non-stick na kawali, i-prito ang bawang sa kaunting mantika hanggang sa mag-golden brown ang kulay. Hanguin sa isang lalagyan.
2. I-prito ang bacon cut na pork hanggang sa mag-mantika ito at pumula ng kaunti.
3. Ilagay na ang all purpose cream at chopped basil. Timplahan na din ng asin, paminta at maggie magic sarap. Hayaan ng mga 2 minuto.
4. Tikman at i-adjust ang lasa.
5. Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang piniritong bawang.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments