BARBEQUE ISAW, MUGS, CHICKEN at IBA PA....

BARBEQUE ISAW, MUGS, CHICKEN at IBA PA

Last Sunday April 10, umuwi kami ng aking mga anak sa aming probinsya sa Bocaue, Bulacan. Medyo matagal na din kasi kaming hindi nakakapasyal. Ang last ay noong January 1 pa. Tuwang-tuwa naman ang mga bata dahil kahit papaano ay makakapag-bakasyon sila doon kahit 1 week lang. Sabik na sabik kasi sila sa probinsya kasi nga malawak ang pwede nilang paglaruan, masarap ang hangin at syempre ang pagkain. Nadatnan namin ang kapatid kong si Shirley (picture sa itaas) na naghahanda ng kanyang mga paninda na barbeque. Ito ang kanyang pinagkakakitaan bukod pa sa mga lutong ulam na itinitinda din niya.


Mga street food na maituturing ang mga ganitong klaseng pagkain. Kahit nga dito sa Manila ay patok na patok ang mga ganitong pagkain. Meron nga akong nakita na food kiosk sa may MRT sa Cubao, talaga namang ang haba ng pila dun sa nagtitinda ng isaw at kung anon-ano pa.


Ang mga picture na nakikita nyo ang ilan lang sa mga bina-barbeque ng aking kapatid. Yung picture sa taas (2nd picture) ay chicken intentine at ito namang nasa itaas ay isaw at bituka din ng baboy naman. Mugs ang tawag sa bituka ng baboy kapag na-fried na o naihaw.


Ang picture naman sa itaas ay boneless chicken barbeque.


Konti lang daw ang tinda nung araw na yun dahil hindi naka-pamalengke ang aking kapatid.


Tinanong ko din pala kung papaano nila ito ginagawa. At eto ang ilang info na nakuha ko.


1. Dapat mahugasan o malinis na mabuti ang isaw o bituka na gagamitin. Otherwise hindi magiging kaaya-aya ang lasa ng inyong barbeque.


2. Papakuluan ang mga ito sa barbeque sauce hanggang sa lumambot. Yung sa chicken, hindi na kailangan itong pakuluan dahil madali lang naman itong maluto.


3. I-ihaw ang mga ito sa baga, at pahiran ng pinaghalong barbeque sauce at catsup na may konting mantika ang iniihaw.


Ang pinaka-key sa masarap na barbeque ito ay ang lasa ng marinade mix na pagpapakuluan. At syempre dapat malinis na malinis at walang amoy ang mga isaw at bituka na gagamitin.


Ang sarap kainin nito lalo na kung ilulubog mo siya sa sukang may sili at toyo. Pang-ulam o kaya naman ay pulutan.


YUMMY!!!!!


Comments

cusinera said…
Naku, ang sarap sarap naman lahat niyan. Self confess Street food addick ako, noong bata at hanggang ngayon. Mas masarap pag binibili kaysa ako gumagawa...LOL! ang weird ano?
J said…
Kuya pabili naman sa kapatid mo. Pero parang mas mahal pa ang shipping kesa sa inihaw diba?
Dennis said…
@ Cusinera.....me too...hehehe...sarap kaya ng isaw...hehehe. Pero di na ako masyado ngayon...nananakit kasi ang mga buto-buto ko pag kumakain ako ng laman-loob...hehehe
Dennis said…
@ J....Oo nga...P10 lang ang isang stick nun...hehehe. alam m ba na sa SM supermarket meron nang mga ganito sa frozen section nila? O di ba..iihaw mo na lang....hehehe
Cheerful said…
wow, ang sasarap ng foods...kakagutom po dito sa website mo! btw, followed you, hope you can follow me back...salamat po! have a great weekend! :) -PinayMum - Mommy's Life Around...!

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy