CAMARON REBOSADO

Noon ko pa gustong magluto nitong Camaron Rebosado na ito. Pero komo may kamahalan ang sugpo o medyo malaking hipon, hindi ko talaga magawa. Pero nitong nakaraang Biyernes, may nakita akong sale na sugpo na wala nang ulo sa SM supermarket sa Makati. Itong dish agad na ito ang pumasok sa isip ko. Kaya naman binili ko na agad ang mahigit 1/2 kilo na naka-display sa lalagyan. Hindi ko alam kung spanish ang dish na ito base na rin sa pangalan. Pero ang dish na ito ay ang ebi tempura naman sa mga Japanese. And ofcourse magkaiba din sila sa sawsawan na ginagamit.


CAMARON REBOSADO

Mga Sangkap:
1/2 kilo large Shrimp (Alisin ang ulo at shell. Itira ang dulong part o ang buntot)
4 pcs. Calamansi
1 cup All Purpose Flour
2 Eggs beaten
Ice cold water
salt and pepper to taste
2 cups Cooking oil for frying
1/2 cup Mayonaise
1/2 cup Tomato Catsup

Paraan ng pagluluto:
1. Linisin mabuti ang hipon. Hiwain sa likod at alisin ang parang sinulid na bituka.
2. Timplahan ang hipon ng asin, paminta at katas ng calamansi. Hayaan ng mga 30 minuto.
3. Sa isang blowl, paghaluin ang binating itlog, harina, ice cold water, at konting asin at paminta. Haluing mabuti ito para maka-gawa ng batter.
4. Ilubog sa batter ang hipon at i-prito sa kumukulong mantika hanggang sa mag-golden brown ang kulay. Hanguin sa isang lalagyang may paper towel.
5. For sa dip, paghaluin lang ang mayonaise, catsup, asin at paminta.

Ihain ito habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
Sarap niyan kuya... kakainggit hehe
susan said…
hi dennis!

may mga pinoy recipes ka bang super tipid? P13,000 lang kasi budget ko sa pagkain. tatlo ang anak ko eh.

maghihintay ako. salamat ha!
Anonymous said…
I followed you from the foodie blog roll and I'd love to guide Foodista readers to your site. I hope you could add this shrimp widget at the end of this post so we could add you in our list of food bloggers who blogged about recipes for shrimp,Thanks!
Dennis said…
@ J..... mag-luto ka din nito...yummy!!!! hehehe
Dennis said…
@ Susan.... P13,000 per month ang budget mo sa food? malaki na yun ah.....
susan said…
malaki rin pamilya ko eh. 4 adults kami and 2 young ones. parang malaki kung konti lang sana kami.
Dennis said…
@ susan....yung mga recipe ko is good for 5 person..pero dalawang kain namin yun.....
susan said…
ah ok. kaya yun! thank you!

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy