CORNED TUNA PASTA

Isang linggo na lang at Holy Week na. Alam ko marami pa rin sa atin ang kahit papaano ay nangingilin din sa mga araw na ito lalo na ang pagkain ng karne. Sabagay, minsan lang naman ito sa isang taon at okay na okay din ito sa ating mga kalusugan.


Narito ang isa pang pasta dish na meatless at ayos na ayos na ihanda natin nitong darating na mahal na araw. Simple lang itong pasta dish na ito at hindi nangangailangan ng mga komplikadong mga sangkap. Simple lang ito pero hindi tipid sa lasa. Just like my kids, nagustuhan ko din ang pasta dish na ito. Try nyo din.


CORNED TUNA PASTA

Mga Sangkap:
500 grams Spaghetti pasta (cooked according to package direction)
2 cans Century Corned Tuna
1 small Can Century Tuna Loaf cut into cubes
1 pouch Hunts Tomato Sauce
1 tsp. Dried Basil
5 cloves minced Garlic
1 large Red Onion chopped
1 cup Grated Cheese
2 tbsp. Olive oil
1 tbsp. Sugar
salt and pepper to taste

Paraan ng Pagluluto:
1. Sa isang kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa olive oil.
2. Sunod na ilagay ang corned tuna, tuna loaf at tomato sauce.
3. Timplahan ng asin, paminta, dried basil at 1/2 cup ng grated cheese. Hayaan kumulo sa mahinang apoy.
4. Ilagay na din ang asukal. Tikman at i-adjust ang lasa.
5. Ilagay ang nilutong pasta noodles. Haluing mabuti hanggang sa ma-coat ng sauce ang lahat na noodles.
6. Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang natitirang grated cheese. Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!


Comments

kitken said…
hello po, mukang masarap po yan ha.. i want to try this one, love ko din pong magluto like my mother but more in baking .. thanks po sa recipe, more power po.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy