FRANNY'S BIRTHDAY
Akala ko simpleng kainan at inuman lang ang meron. Pero nang makita ko ang handa niya na pagkain ay talagang nalula ako sa dami. Medyo nagpigil nga ako kasi nga di ba marami nang bawal sa akin?
Masasarap ang mga pagkaing inihanda nila. May hipon na palagay ko ay niluto sa butter at garlic, alimango na steamed at yung iba naman ay may gata, inihaw na liempo, calderetang Batangas, calamares, fried chicken na nagustuhan ko talaga ang timpla, syempre spaghetti para sa may birthday. May cake, gelatin at buko salad din for the desserts.
Hindi ang pagkain ang na-enjoy ko talaga ng husto sa kita-kits at birthday na ito ni Franny, kundi ang pakikita-kita muli namin at ang mga kwentuhan na wala na atang katapusan.
Tatlong pamilya nga lang pala ang bisita niya nung araw na yun. Ang kaibigan din namin na sina Benny, Mery at kanyang mga anak, at si John kasama din ang kanyang asawa.
After ng kainan, syempre mawawala ba ang inuman. At ano pa ang masarap sa inuman bukod sa alak at pulutan? Syempre ang videoke. Hehehehe. Kahit walang practice, ay talaga namang napakanta ako ng mga oras na yun.
Late na kami ng makauwi ng gabing yun na para bang kulang pa rin ang oras para sa kwentuhan at inuman. Hehehehe. Pero naipangako namin na magkikitang muli para muling magkasayah.
Sa aking kaibigang si Franny, dalangin ko na humaba pa ang kanyang buhay at magkaroon pa siya ng maraming kaarawan.
Hanggang sa muling pagkikita......
Comments
my Food Trip Friday post