FRESH MUSHROOM in GARLIC and OYSTER SAUCE


Last Sunday, pinasalubungan ako ng kapitbahay kong si Ate Joy ng fresh strawberries and fresh na button mushroom. Galing kasi sila ng Baguio after nilang magpa-bless ng sasakyan sa Manaoag.

Sa unang kita ko pa lang sa fresh na mushroom, isang luto lang ang tumama sa isip ko at yun nga ay itong recipe natin for today.

Wala talagang hihigit pa sa mga fresh na gulay na nilagyan ng oyster sauce. Masarap at manamis-namis ang lasa.

Try nyo ito. Ito pala ang ginawa kong side dish sa roasted chicken na dinner namin last Sunday.

One word..... Yummy!!!


FRESH MUSHROOM in GARLIC and OYSTER SAUCE

Mga Sangkap:

1/2 kilo Fresh Button Mushroom (pag-apatin kung medyo malaki ang piraso)

1/2 cup Oyster Sauce

1 medium size Onion sliced

1 head Minced Garlic

1 tsp. Cornstarch

1 tbsp. Brown Sugar

2 tbsp. Butter

1 tsp. Sesame Oil

Salt and pepper to taste


Paraan ng pagluluto:

1. I-prito ang bawang sa butter hanggang sa mag-golden brown ang kulay. Hanguin sa isang lalagyan.

2. Sa parehong kawali, ilagay na ang sibuyas at hiniwang mushroom. Halu-haluin.

3. Timplahan ng asin at paminta. Hayaan ng mga 2 minuto

4. Ilagay na ang oyster sauce, brown sugar at sesame oil.

5. Ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce

6. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

7. Hanguin sa isang lalagyan at ibudbod sa ibabaw ang piniritong bawang.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
Paborito ko ang mushrooms kuya!
Dennis said…
Manamis-namis pala ang lasa pag fresh na fresh talaga. Yummy!!!

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy