GINATAANG HIPON at BOK CHOY
Nitong nakaraang araw nahilingan ako ng aking asawang si Jolly na magluto ng hipon para sa aming hapunan. Kahit may kamahalan ang hipon ay sinunod ko na din ang aking asawa at dumaan ako ng Farmers Market sa Cubao para bumili.
Habang nasa sasakyan nagiisip ako kung anong luto naman ang gagawin ko sa hipon. Para kasing pangkaraniwan na ang sinigang. Kung lalagyan ko naman ng itlog at harina kagaya ng ginawa ko nitong nakaraang linggo masyado naman matrabaho. Kaya ang ginawa ko na lang ay nilahukan ko ito ng chinese pechay o bok choy at nilagyan ko ng kakang gata.
Papaanong hindi sasarap ang hipon na ito? Bukod sa purong kakang gata ang aking inilagay ay nilahukan ko din ng sili para may konting anghang ang sauce.
Ang resulta? Nakalimutan ko na naman ang diet ko sa dami ng aking nakain....Hahahaha.
GINATAANG HIPON at BOK CHOY
Mga Sangkap:
500 grams Medium size Shrimp (Suahe ay ok lang)
250 grams Bok Choy
3 cups Kakang Gata
1 thumb size Ginger
5 pcs. Siling pang sigang
1 large Onion sliced
5 cloves minced Garlic
1 tbsp. Canola oil
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Linising mabuti ang hipon. Alisin ang balbas.
2. Sa isang kawali, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa kaunting mantika.
3. Ilagay ang kakang gata at siling pang sigang at hayaang kumulo.
4. Makalipas ang mga 5 minuto, ilagay na ang hipon.
5. Timplahan ng asin at paminta at hayaang maluto hanggang sa pumula na ang hipon.
6. Huling ilagay ang bok choy at hayaang maluto.
7. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!

Comments
Ihanda mo ang maraming kanin....hahahaha
Happy FTF. mine is here
Mine is here