KALABASA and CELERY SOUP


Di ba kapag prito ang ulam mas mainam na mayroon din tayong soup na mahihigop. Kung baga, pampadulas. Hehehehe.

Maraming available sa instant soup sa market. Pakuluan lang sa tubig ay may sabaw ka na na mahihigop. Ito ang madalas na gawin ko sa amin sa bahay. Pero syempre, iba pa rin yung soup na lutong bahay.

Bihira akong gumawa ng soup sa bahay. Pero nitong nakaraang Lunes talagang itinuloy ko na ang soup na naiisip ko na gawin noon pa. Actually, napanood ko ito sa isang cooking show sa TV. Madali lang siyang gawin kaya naman sinubukan ko din.

You know what? Nagustuhan ito ng panganay kong si Jake at ng aking asawang si Jolly. Kahit ako, kinain ko nga ito na may kasamang pandesal at butter. Yummy talaga.



KALABASA and CELERY SOUP

Mga Sangkap:

300 grams Fresh Kalabasa (alisin ang balat at hiwain ng pa-cube)

3 tangkay na Celery

1 large Onion sliced

5 cloves Minced Garlic

8 cups Chicken broth or 2 Knorr chicken cubes

1/2 cup Butter

Salt and pepper to taste

1 cup Fresh Milk or Cream


Paraan ng Pagluluto:

1. Pakuluan ang kalabasa, celery, bawang at sibuyas sa tubig na may knorr cubes o kaya naman ay sa sabaw ng manok.

2. Kung lumambot na ang kalabasa, palamigin ito sandali.

3. Isalin ito sa blender at i-blend hanggang maging smooth ang lahat ng mga sangkap.

4. Ibalik ito sa kaserola. Pakuluin muli habang hinahalo.

5. Timplahan ng asin at paminta.

6. Huling ilagay ang butter at gatas o cream.

7. Tikman at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy