PAN-GRILLED BONELESS CHICKEN ala INASAL
Sa mga kababayan kong nandito sa Pilipinas, napapansin nyo siguro ang pag-usbong ng fastfood restaurant na Mang Inasal. Katulad ng Mc Donald at Jollibee, para itong kabute na nagkalat sa halos lahat ng kanto ng Kamaynilaan.
Bakit ba naman? Bukod kasi sa unli-rice nila ay talaga namang masarap ang kanilang Inasal na manok. Samahan mo pa ng sawsawan na suka, toyo, calamansi at sili, panalong-panalo tiyak ang inyong kain.
Kaya naman kahit wala akong ihawan at sinubukan ko pa din na kuhanin ang recipe ng inasal na manok at aking itong iniluto nitong nakaraang araw.
Masarap ang laman ng manok. Lasang-lasa ang pagka-marinade ko nito sa tanglad at calamansi.
Try nyo ito ito....Yummy talaga.
PAN-GRILLED BONELESS CHICKEN ala INASAL
Mga Sangkap:
8 pcs. Boneles Chicken Breast Fillet
8 pcs. Calamansi
1 head Minced Garlic
1/2 cup Finely chopped Lemon Grass (White portion only)
1/2 cup Vinegar
1/2 cup Anato or Achuete oil
salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang manok sa bawang, katas ng calamansi, lemon grass o tanglad, at sa asin at paminta. Hayaan ng overnight. Mas matagal mas mainam.
2. Kung iihaw na, ilaga ang suka at hayaan ng mga 15 minuto.
3. I-ihaw ito sa baga o sa isang non-stick na kawali.
4. Pahiran ng achuete oil ang magkabilang side at hayaang maluto.
Ihain habang mainit pa kasama ang pinaghalong suka, calamansi, toyo at sili para sawsawan.
Enjoy!!!!
Comments
haaayyy naku ngayon lang ako nakabalik talaga..
medyo matagal tagal din akong nawala..
but i'm back now and with a vengeance...hehehe
Welcome back!!!!