PASTA & BACON in POMODORO SAUCE


Parang ang sosyal ng pasta dish na entry natin for today ano? But actually, madali lang lutuin ang dish na ito at walang komplikadong sangkap na kailangan.

Pomodoro sauce is just a home made tomato sauce. Sa tulong ng blender, madali lang gumawa nito. At talagang madali lang itong lutuin.

Ito pala ang breakfast namin nitong nakaraang Linggo. As usual, nagustuhan ng aking asawa at mga anak ang bago kong pasta dish na ito.

Try nyo din. Masarap talaga.



PASTA & BACON in POMODORO SAUCE

Mga Sangkap:

500 grams Spaghetti pasta cooked al dente

300 grams Bacon cut into half inch long

1 large White Onion sliced

1 head Garlic

5 pcs. large ripe Tomatoes quartered

1 tsp. Dried Basil

3 tbsp. Olive oil

1 cup Grated Cheese

1/2 cup parmesan Cheese

Salt and pepper to taste


Paraan ng pagluluto:

1. Lutuin ang spaghetti pasta according to package directions.

2. Sa isang blender, ilagay ang bawang, sibuyas, kamatis at olive oil. Paandarin ang blender hanggang sa madurog na mabuti ang lahat ng mga sangkap.

3. Sa isang kawali o non-stick pan, i-prito ang bacon sa kaunting olive oil hanggang sa pumula ito at mag-labas ng sarili niyang mantika.

4. Ilagay ang ginawang tomato sauce.

5. Timplahan ng asin, paminta at dried basil.

6. Ilagay na din ang grated cheese. Halu-haluin at hayaang kumulo sa loob ng mga 3 minuto.

7. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

8. Ilagay ang nilutong pasta at haluing mabuti hanggang sa ma-coat ang lahat ng pasta ng sauce.

9. Hanguin sa isang lalagyan at lagyan ng parmesan cheese sa ibabaw.

Ihain na may kasamang toasted bread o pandesal.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
Simple nga kuya! At shempre masarap, lalo na't may bacon! ;-)
Dennis said…
Mas masarap pala talaga ang home made na tomato sauce. Kung baga pwede mong i-adjust depende sa nais mo na lasa. Try mo ito J....masarap talaga.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy