PORK SIOMAI
Usong-uso dito sa Manila yung mga food kiosk na nagtitinda ng siomai. Walang oras na hindi mo makita na may bumibili o may kumakain dito. Isa na ako sa mga suki nito lalo na pag hindi ko na talaga matiis ang gutom ko. Hehehehehe
Kaya naman nito nakaraang araw ay gumawa ako nito. Remember yung post ka na misua bola-bola at patola soup? Yun yung sobra dito sa siomai na ginawa ko. So yung recipe nun ay pareho lang nito.
PORK SIOMAI
Mga Sangkap:
250 grams Giniling na baboy
250 grams Hipon (alisin ang ulo, buntot at shell at hiwain ng maliliit)
1 pc. small Singkamas (hiwain ng maliliit na cubes)
1 medium size Onion finely chopped
1 Egg beaten
2 tbsp. Cornstarch
2 tbsp. Sesame oil
35 pcs. Wanton wrapper
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang bowl pagsama-samahin lang ang lahat ng sangkap maliban sa wanton wrapper. Maaring kumuha ng kaunti at iluto (steam/prito) para malaman kung tama na ang lasa.
2. Sa bawat wanton wrapper, maglagay ng tamangdami ng palaman ayon sa laki ng wanton wrapper o sa nais na laki.
3. I-steam ito saloob ng 20 minuto o hanggang sa maluto ang inyong siomai.
Ihain kasama ang pinaghalong toyo, calamansi at chili-garlic sauce.
Enjoy!!!!
Comments