SPICY PORK STRIPS
May nabili akong butterfly cut na pork sa SM supermarket nitong nakaraang pag-go-grocery namin. Ang balak kong gawing luto dito ay crispy fried lang. Binabad ko muna ang karne sa tubig na may asin, paminta at dried basil para kako magka-flavor ang karne. Kaso, nung i-prito ko na ito na may breadings, nagtaka ako bakit naging matigas ang laman ng karne. Di ba dapat malambot nga siya dahil nababad na sa brine at madali ko lang ito ipinirito? Buti na lang at hindi ko ito ipiniroto lahat. Kaya ang ginawa ko, niluto ko siya na parang caldereta na may sauce. Okay naman ang kinalabasan. Masarap ang sauce at ang karne mismo.
SPICY PORK STRIPS
Mga Sangkap:
1/2 kilo Pork chops cut into strips
1 small can Reno Liver spread
1 tbsp. Sweet Pickle relish
1 tsp. Chili powder
1 tbsp. Worcestershire Sauce
1/2 cup Soy Sauce
1 tsp. Dried Basil
salt and pepper to taste
3 cloves minced garlic
1 large Onion sliced
2 tbsp. Butter
Paraan ng pagluluto:
1. Ibabad ang karne ng baboy sa tubig na may asin, paminta at dried basil. Hayaan ng overnight. 2. Sa isang kaserola, igisa ang bawan at sibuyas sa butter.
3. Sunod na ilagay ang karne ng baboy. Isama na din ang pinagbabadan nito.
4. Ilagay na din ang lahat ng natitirang sangkap maliban sa liver spread.
5. Takpan at hayaang kumulo hanggang sa lumambot ang karne. Maaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.
6. Kung malapit ng lumambot ang karne, ilagay na ang liver spread. Halu-haluin. Hayaan pa ng mga 5 minuto.
7. Tikman ang sauce at i-adust ang lasa.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments
Thanks Cel for visiting...
Dennis