WHITE TUNA SPAGHETTI


Nitong nakaraang Mahal na Araw, kahit papaano ay nangilin kami sa pagkain ng karne. Lalo na sa araw ng Biyernes, wala talagang meat kami na kinain. Ginagawa namin ito para kahit papaano ay makapag-alay kahit kaunting sakripisyo.

Dapat sana sa araw ng Biyernes ko iluluto ang tuna pasta na ito, pero komo sumama kami sa prusisyon ay sabado ko na ito naluto. Okay din naman kasi dumalaw din sa aking biyenan ang isa pa niyang manugang na si Ate Bella at kanyang mga anak.

Kaya naman, pandalas akong nagluto ng meryenda para ipakain sa kanila.

Naging White Tuna Spaghetti ang tawag ko dito kasi nilahukan ko din ito ng sliced na hotdog. Para kasing bitin kung yung corned tuna lang ang aking ilalagay.

Nakakatuwa naman dahil naubos at nagustuhan ng lahat ang aking niluto.


WHITE TUNA SPAGHETTI

Mga Sangkap:
1 kilo Spaghetti pasta (cooked accrding to package direction)
1 big can Corned Tuna
250 grams Purefoods Hotdog sliced
1 big can Alaska Evap (red label)
1 big can All Purpose Cream
1 large Red Bell Pepper cut into small cubes
1/2 cup Butter
1 cup Grated Cheese
1 head Minced Garlic
1 large Onion chopped
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1. Iluto ang spaghetti pasta according to package direction.
2. Sa isang kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa butter.
3. I-prito na din ang hotdog hanggang sa maluto. Ilagay na din ang red bell pepper.
4. Ilagay na ang Alaska Evap at all purpose cream. Timplahan na din ng asin at paminta.
5. Ilagay na din ang corned tuna at kalhati ng grated cheese.
6. Hayaan ng mga 5 minuto o hanggang sa kumulo.
7. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
8. Ibuhos ang white sauce sa nilutong pasta at haluing mabuti.
9. Ibudbod sa ibabaw ang natitira pang grated cheese

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

i♥pinkc00kies said…
sarap ah! since i dont like white sauce, i think i'll do it na oil-based or w/ tomato sauce,
Dennis said…
Hi Pinkcookies....thanks for visiting. Try mo din ang white sauce....masarap din...para maiba naman sa regular na red sauce....hehehe

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy