TOMATO & POTATO SOUP
Last Mothers Day isang dinner sa isang Italian restaurant ang treat ko sa aking asawang si Jolly. Konti lang ang in-order naming pagkain nung time na yun at nagustuhan naman naming lahat. May take-out pa nga kaming pizza na natira.
Hindi ko makalimutan yung tomato soup na kasama ng parang chicken sandwich na nakalagay sa fita bread. Sabi ko sa asawa ko na gagayahin ko yun. At eto na nga, niluto ko itong soup na para may maka-terno ang roasted chicken na dinner namin nitong isang gabi.
Nagustuhan ko naman at ng aking asawa ang kinalabasan ng aking pangongopya. hehehehe. Pero masasabi ko ding hindi ito pangongopya dahil wala naman recipe ako na pinagkopyahan. Binase ko lang ang mga sangkap na ginamit ko ayon sa aking nais at panglasa.
Try nyo din ito. Masarap at kakaiba talaga.
TOMATO & POTATO SOUP
Mga Sangkap:
8 pcs. Tomatoes
1 large Potato
1/2 cup Butter
1/2 cup Cream Cheese
1 cup Milk or All purpose cream
6 cups Chicken broth
4 cloves Minced Garlic
1 medium White Onion sliced
1/2 tsp. Dried Basil
Salt and pepper to taste
Paraan ng Pagluluto:
1. Sa isang kaserola, pakuluan sa sabaw ng manok ang patatas, kamatis (alisin ang buto), bawang, at sibuyas. Hayaang kumulo hanggang sa lumambot ang patatas.
2. Palamigin sandali at isalin ito sa blender.
3. Isama na din sa blender ang cream cheese, all purpose, dried basil at timplahan ng asin at paminta.
4. I-blender ito hanggang sa maging smooth ang lahat na sangkap.
5. Ibalik ito sa kaserol at pakuluang muli sa mahinang apoy.
6. Huling ilagay ang butter. Tikman at i-adjust ang lasa.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!

Comments