ISPAGETING PINOY
Sa ating mga pinoy, basta may birthday hindi talaga mawawala ang pancit o kaya naman ay spaghetti. Ito marahil ang namana natin sa ating mag ninunong intsik na ang ibig sabihin ay long life o pampahaba ng buhay.
Kahit nga nasa malayong lugar ang may birthday o kaya naman ay yumao na, inaalala pa din natin sila sa paghahanda ng mga ganitong klaseng pagkain.
Kagaya na lang nitong nakaraang May 29. Birthday ng kapatid ng asawa kong si Jolly na si Beth. Nasa Ireland sila. Pero nung araw na iyon, naisipan kong ipagluto siya ng spaghetti kahit biglaan.
Pinoy style na spaghetti ang niluto ko. Meaning, medyo manamis-namis ang sauce nito at syempre hindi mawawala ang sahog na hotdog at giniling na baboy. Pero wag ka, naubos ha. Para kasing spaghetti ng Jollibee ang dating ng niluto ko. hehehehe. Magluluto ulit ako nito sa darating na mga araw.....hehehee.
ISPAGETING PINOY
Mga Sangkap:
1/2 kilo Spaghetti pasta cooked according to package direction
1/2 kilo Pork giniling
1/4 kilo Purefoods Hotdog sliced
2 pouch Del Monte Sweet Style Spaghetti Sauce
2 tbsp. Canola oil
2 cups grated cheese
5 cloves minced Garlic
1 large Onion sliced
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kawali i-prito ang giniling na baboy sa kaunting mantika hanggang sa mawala ang pagka-pula ng karne at medyo tostado na ito.
2. Isunod na rin ang hotdog sa pagpi-prito.
3. Igisa na din ang bawang at sibuyas at halu-haluin sa giniling at hotdog.
4. Ilagay na ang sweet style na spaghetti sauce. Halu-haluin.
5. Ilagay na din ang 1 cup na grated cheese at timplahan ng asin at paminta.
6. Tikman at i-adjust ang lasa ng sauce.
7. Ihalo ang nilutong spaghetti pasta. Haluing mabuti hanggang sa ma-coat ang lahat ng pasta ng sauce.
Ihain at ibudbod sa ibabaw ang natitira pang grated cheese.
Enjoy!!!!
Comments
Regards