ASIAN ROASTED CHICKEN LEGS


Komo paborito talaga ng aking mga anak ang roasted chicken, talagang nare-research ako sa net ng mga bagong recipe nito. Pansin nyo din siguro, marami-rami na din ang recipe ko ng roasted chicken.

Kagaya nitong entry natin for today. Another roasted chicken recipe. Asian Roasted Chicken Legs ang ipinangalan ko dito komo nga ang mga sangkap na pinang-marinade ko dito ay asian na asian ang dating.

Ang isa pa na napansin ko sa recipe kong ito ay yung lambot ng karne na para siyang chicken ng KFC. At juicy na juicy talaga.


ASIAN ROASTED CHICKEN LEGS

Mga Sangkap:
10 pcs. Chicken Legs
2 tbsp. Curry Powder
3 cups Coconut Cream
1 tsp. Ground Black pepper
2 tbsp. Rock Salt
1/2 cup chopped Lemon grass (white portion only)

Paraan ng Pagluluto:
1. Sa isang plastic bag, ilagay ang chicken legs, asin, paminta at curry powder. Lagyan ng kaunting hangin ang loob at isara ang plastic bag. Alug-alugin para ma-coat ng spices ang lahat ng manok.
2. Sunod na ilagay ang chopped lemon grass at coconut cream. Isara ang plastic bag ay hayaang ma-marinade ang manok ng overnight.
3. Lutuin ito sa turbo broiler na may init na 300 degrees hanggang sa maluto o pumula na ang balat. Pahiran ng marinade mix from time to time.

Ihain kasama ang inyong paboritong gravy o lechon sauce.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
Kuya ano po bang pedeng substitute sa lemongrass? Wala kasi akong nakikitang ganyan dito eh
Dennis said…
Ang hirap naman ng tanong mo J....hehehehe. Lemon zest siguro pwede...pero di ko pa na-try.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy