CHICKEN 1-2-3
Meron na akong recipe sa archive nitong chicken 1-2-3 na ito. Pero yung una kong version nilagyan ko ng lemon. Masarap naman talaga anag kinalabasan.
Yung 1-2-3 sa recipe na ito ay yung proportion ng mga sangkap na pang-marinade. 1 yung sa sugar at vinegar, 2 yung sa rice wine at 3 naman sa soy sauce. Depende na lang ang dami sa dami ng manom na inyong lulutuin. Kayo na ang bahalang mag-adjust.
In this version, dinagdagan ko naman ng toasted sesame seeds at sliced white onion. Ito ang ipinabaon ko sa aking mga anak sa school at nagustuhan naman nila.
Madali lang ito lutuin. Actually, natutunan ko ito sa isa sa mga paborito kong food blog ang http://homecookingrocks.com/ ni Ms. Connie Veneracion.
Try nyo din. Just like me, nagustuhan ko ang dish na ito.
CHICKEN 1-2-3 with TOASTED SESAME SEEDS
Mga Sangkap:
1 kilo Chicken Drumstick
1 thumd size Grated Ginger
1/2 cup Brown Sugar
1/2 cup Rice Wine (mirin or shiao xing)
1 cup Vinegar
1 and 1/2 cups Soy sauce
1 tbsp. Toasted Sesame seeds
1 large White Onion sliced
2 tbsp. Canola oil
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang plastic bag, paghaluin ang lahat ng mga sangkap maliban sa sesame seeds at onion. I-marinade ito ng mga 1 oras. Overnight mas mainam.
2. Sa isang non-stick na kawali, i-prito ng kaunti ang sibuyas sa kaunting mantika. Hanguin sa isang lalagyan.
3. Isalin sa kawaling ito ang minarinade na manok kasama ang marinade mix. Takpan at hayaang maluto ang manok.
4. Maaring tikman ang sauce kung tama na ayon sa inyong panlasa. I-adjust kung kinakailangan.
5. Hayaang maluto hanggang sa mag-caramelize ang sauce at kumapit ito ng husto sa manok. Maging mabilis para hindi masunog ang sauce.
6. Hanguin sa isang lalagyan at ibudbod ang toasted sesame seeds at piniritong sibuyas sa ibabaw.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!

Comments