CHICKEN POTATO SALAD
Ang chicken potato salad ang isa pa na paborito kong pagkain na medyo matagal-tagal na din na hindi ko natitikman. Kaya nung minsan na nabanggit ng asawa kong si Jolly na isa ito sa mga kinain nila sa Red Box sa Makati, nasabi ko na ipagluluto ko siya nito sa birthday niya.
A day before her birthday ko ito niluto komo nga sa Bulacan siya magse-celebrate di ba?
Alam ko na marami sa atin na alam na alam na ang pagluluto o pag-gawa nitong salad na ito. Syempre may kani-kaniyang paraan tayo kung papaano pa natin ito mapapasarap.Yun siguro ang gusto kong i-share sa inyo. Kung papaano ko ito niluto at pinasarap pa. Bukod pa sa walang mga komplikadong sangkap akong isinama.
CHICKEN POTATO SALAD
Mga Sangkap:
1 kilo Potato cut into bite size cubes1 large Carrot cut also into cubes
1/2 kilo Chicken Breast2 cups Lady's Choice Mayonaise
1 tbsp. Red Onion finely chopped2 tbsp. Sweet Pickle Relish
1 tsp. Dried Basil LeavesSalt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, pakuluan ang manok sa tubig na may timplang asin at paminta. Dagdagan ang tubig dahil dito din lulutuin ang patatas at carrots.
2. After ng mga 5 minuto, ilagay na din ang patatas at carrots. Hayaang kumulo hanggang sa lumambot ang papatas. Huwag i-overcooked.3. Hanguin ang patatas, carrots at manok. Palamigin.
4. Hiwain ang manok ng pa-cubes.5. Sa isang bowl, pagsama-samahin ang lahat ng mga sangkap. Haluin mabuti hanggang sa ma-coat ng mayonaise ang lahat ng patatas.
6. I-chill muna sa fridge bago ihain.Maaring ihain na nakalagay sa isang plato o bowl na may fresh lettuce.
Enjoy!!!!
Comments
Call Center Agent
Dennis
Call Center Agent