CRISPY PATA to PATA TIM


Akala nyo siguro laging perfect ang mga niluluto ko ano? Hindi naman palagi. May mga palpak din pero nakakain din naman. Hehehehe.

Katulad nitong Crispy Pata na ito. May nakita akong magandang pata sa SM supermarket. Maganda kasi malaman siya at maganda ang pagkahiwa. Ang hindi ko na check ay yung kapal ng balat ng karne. Sa balat kasi malalaman mo kung matanda na ang baboy o hindi. Pag makapal, asahan mong inahin o may idad na ang baboy. At hindi ito bahay na gawing crispy pata.

So ano ang ginawa ko sa pumalpak na crispy pata? Ginawa kong pata tim. hehehe. Wag ka ha....masarap ang kinalabasan dahil lang sa kaunting trick. hehehehe


CRISP PATA to PATA TIM

Mga Sangkap:

For crisp pata:
1 whole Pork leg
2 pcs. Dried Laurel
1 head Garlic
1 tsp. Pepper corn
3 tbsp. Rock Salt

For Pata Tim:
1 cup Oyster Sauce
1/2 cup Sweet Soy Sauce
2 pcs. Star Anis
1 cup+ Brown Sugar
1 tsp. Sesame Oil
1/2 tsp. Ground Black Pepper
1 tsp. Garlic powder
1 tsp. Cornstarch

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola (dapat kasya ang buong pata), pakuluan ang pata ng baboy sa tubig na may asin, pamintang buo, bawang at dried laurel. Pakuluan hanggang sa lumambot ang karne.
2. Hanguin at palamigin sandali.
3. Tusuk-tusukin ng tinidor ang balat ng nilagang pata. Sa pamamagitan nito, mas magiging crispy at magpa-pop ang balat ng baboy.
4. Isalang ito sa turbo broiler sa init na 300 degrees hanggang sa pumula at mag-pop ang balat ng baboy.

Ihain ito na may kasamang suka na may sili, toyo, ginayat na kamatis at sibuyas at katas ng calamansi.

Duda ako kung may matitira pa sa crispy pata...hehehe. Pero kagaya nga ng nangyari sa aking niluto, nauwi sa pata tim ang aking crispy pata. Eto ngayon ang gagawin:
1. Sa isang kaserola, ilagay ang crispy pata at lagyan ng 3 tasang sabaw ng pinaglagaan ng pata, garlic powder, star anis, ground black pepper at sweet soy sauce.
2. Pakuluan ito hanggang sa tuluyang lumambot ang lamat at balat ng crispy pata. Yun bang para nahihiwala na ang laman sa buto.
3. Kung malambot na malambot na ang karne, ilagay ang oyster sauce at brown sugar.
4. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
5. Huling ilagay ang tinunaw na cornstarch at sesame oil.

Enjoy!!!!

Note: Sayang hindi ko nakuhanan ng picture ang pata tim. Next time. :)

Comments

J said…
Kuya sarap niyan! Pede bang magpaampon sa inyo? Hehehe.
Dennis said…
Oo ba....hehehehe...basta hindi ka lang malakas kumain....hahahaha.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy