FETTUCCINE with CREAMY CHICKEN and VEGETABLE SAUCE

Sa pagluluto ng pasta dishes importante ang sauce na ilalagay. Ofcourse basic na sangkap ang olive oil o butter at cheese. Dito sa Pilipinas, spaghetti na pula ang sauce ang pinaka-common. Mula sa birthday, pasko o anumang espesyal na okasyon, hindi nawawala ang pulang spaghetti.

Para hindi naman maging boring ang ating pasta dishes, pwede nating lahukan ito ng iba pang sahog at sauces. Actually marami tayong pwedeng isahog at gawin sa pasta na ito. Kahit nga tinapang isda pwede eh. Kailangan lang natin ng konting imagination para magawa natin ito.

Kagaya nitong pasta dish na ito na entry natin for today. Tiningnan ko lang kung ano pa ang available na pwed kong isahog dito at presto may masarap na kaming pasta dish na aming inalmusal. Pwede nyo pala i-check ang marami nating pasta dishes sa archive.


FETTUCCINE with CREAMY CHICKEN and VEGETABLES SAUCE

Mga Sangkap:

500 grams Fettuccine Pasta cooked according to package direction

300 grams Ground Chicken

3 cups Mix Vegetables (corn, carrots, peas)

2 cups All Purpose Cream

2 cups Alaska Evaporated milk (red label)

2 cups Grated Cheese

1 head Minced Garlic

1 large Red Onion chopped

1/2 tsp. Dried Basil

1/2 cup Butter

Salt and Pepper to taste


Paraan ng pagluluto:

1. Lutuin ang pasta according to package direction. Huwag i-overcooked.

2. Sa isang kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa butter.

3. Sunod na ilagay ang ground chicken. Halu-haluin hanggang sa mawala ang pagka-pink ng manok.

4. Timplahan ng asin, paminta at dried basil.

5. Ilagay na din ang mix vegetables. Halu-haluin ng ilang menuto.

6. Ilagay na ang all purpose cream, alaska evap at 1 cup na grated cheese. Halu-haluin sa mahinang apoy.

7. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

8. Ihalo ang nilutong pasta. Haluing mabuti hanggang sa ma-coat ng sauce ang lahat ng pasta.

9. Isalin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang natitira pang grated cheese.

Ihain na may kasamang bread stick o kaya naman ay toasted bread.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy