KARE-KARE



Kapag sinabing Pilipino food hindi mawawala ang kare-kare sa ating mga listahan. Ofcourse ang ating adobo at sinigang ang tiyak na nauuna dito.


Pinoy na pinoy ang dating ng kare-kare. Bukod sa mga gulay na sahog nito, panalong-panalo din ang kasama nitong bagoong.


Madali lang magluto ng kare-kare. Tambog-tambog lang ng mga sangkap ay okay na. Ang pinaka-importante na dapat nating tandaan sa dish na ito ay yung freshness ng mga gulay at ang masarap na bagoong na gagamitin. Kung hindi kasi masarap ang bagoong, parang walang buhay ang kare-kare nyo. Kare-kare is not kare-kare kung walang bagoong. To be safe, bumili na lang tayo ng mga bottled na bagoong sa supermarket. Mas masarap yung sweet and spicy ang flavor.



KARE-KARE


Mga Sangkap:

1 kilo Beef face o buntot ng baka (cut into serving pieces)

Puso ng saging

Sitaw

Pechay Tagalog

Talong

1 cup Ground Toasted Rice

1 cup Ground Toasted Peanuts or 1 cup peanut butter

1/2 cup Anato oil or Achuete

1 head minced Garlic

1 large Onion sliced

salt to taste




Paraan ng pagluluto:

1. Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa kaunting mantika.

2. Ilagay ang balat o karne ng baka. Lagyan ng tubig (dapat lubog ang laman) at timpahan ng asin. Pakuluan ito hanggang sa lumambot ang laman.

3. Ilagay ang anato oil o achuete. Isama na tin ang sitaw at puso ng saging. Takman muli. Hayaan ng mga 2 minuto.

4. Sunod na ilagay ang talong, ground toasted peanut o peanut butter at ang giniling na bigas. Takpan muli.

5. Huling ilagay ang pechay.

6. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa. Maaring lagyan ng tubig kung kinakailangan.


Ihain na may kasamang ginisang bagoong.



Enjoy!!!!

Comments

Unknown said…
wow, super sarap!

i will try to cook that, hindi ko pa kasi natry hehehe

Happy Food Trip Friday!

http://vhen.blogspot.com/2011/07/dinengdeng-meets-fried-tilapia.html

hope you can stop by, thanks!
Maisie said…
yummy!!! one of my favs food ang kare-kare, tagal q n nde naka2in nito must try to cook it :)
Dennis said…
@ vhen....yes you try. Basta ang pinaka-importante ay yung ggamitin na bagoong. Yun ang magdadala sa kare-kare...heheheh
Dennis said…
@ maisie...me too...paborito ko rin itong kare-kare...lalo na kung mukha ng baka ang gagamiting laman..heheheh....it melts in the mouth...yummy!!!

Thanks for visiting...
J said…
Sarap ng karekare mo kuya!!!

Ako dito, pag nagluluto ng kare ay gumagamit ng karekare mix. Di ko kasi alam kung saan makakabili ng ibang ingredients hehehe.
Chie Wilks said…
wow, looks inviting. maraming salamat po sa recipe. i haven't tried cooking this dish kasi
Chie Wilks said…
my share for food trip is at:

http://www.awifeonline.com/ftf-1-chinese-egg-noodles-stir-fry/
Cheerful said…
ang sarap, salamat po sa recipe! i tried making one few weeks ago but i used mama sita...:) will try making one again using your recipe, hopefully soon. visiting from FTF, have a great week! :)
Dennis said…
@ Chie_wilks.....try mo ito...pinoy na pinoy diba?

Thanks for the visit...
Dennis said…
@ cheerful....well..si Mama Sita talaga ang madaling sagot kung gusto nating mag-kare-kare. But ofcourse iba pa rin yung hindi instant di ba?

Thanks for the visit...


Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

Sinigang na Baboy