LETTUCE, EGG & KANI SALAD

Another confort food ang handog ko sa inyong lahat. Actually, tira-tira lang yung mga sangkap na ginamit ko dito at ginawa ko lang salad para naman di masayang. Very simple but delicious dish ang salad na ito. Bale yung paglalaga lang ng itlog ang cooking na ginawa ko dito kaya kahit hindi marunong magluto ay kaya itong gawin. Wag ka, masarap ito lalo na yung dressing na ginamit ko. Hehehehe. Try it. Masarap na healthy pa.


LETTUCE, EGG & KANI SALAD

Mga Sangkap:
Romaine Lettuce cut into bite size pieces
10 pcs. Crab sticks sliced thinly
3 pcs. Hard Boiled Eggs quatered
2 tbsp. Olive oil
1/2 cup Cane Vinegar
2 tbsp. Sugar
salt and pepper to taste

Paraan ng paggawa:
1. Sa isang bowl pagsama-samahin lamang ang lettuce at hiniwang crab sticks.
2. Sa isang bowl pa din, pagsama-samahin ang olive oil, cane vinegar, paminta, asin at asukal. Haluing mabuti. Tikman at i-adjust ang lasa.
3. Ibuhos ang ginawang dressing sa salad at haluing mabuti.
4. Ilagay sa ibabaw ang hiniwang nilagang itlog.
5. I-chill sandali bago ihain.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy