PAKSIW na LECHONG KAWALI
Paborito ko ang paksiw na lechon. Lalo na yung may balat na talaga namang it melts in the mouth kapag kinakain mo. Nakakain lang ako nito pag may mga okasyon at may natirang lechon. Well, paksiw lang naman talaga ang kakauwian ng tirang lechon although pwede mo din itong isigang.
May kamahalan ang lechon kaya hindi ko ito mailuto sa bahay. Kaya ang ginawa ko lechon kawali ang aking ginamit. Although, duda ako na may matitira kapag nagluto ka ng lechon kawali, hehehehe. Pero for this purpose talagang nagluto muna ako ng lechon kawali at saka ko siya pinaksiw.
Sa wakas, natapos din ang craving ko sa paksiw na lechon. Hehehe
Itong pala ang recipe na kahit hindi marunong magluto ay magagawa pa din. Hehehehe. Madali lang ito. Try nyo din.
PAKSIW NA LECHONG KAWALI
Mga Sangkap:
1+ kilo Pork Liempo (piliin yug manipis lang ang taba)
1 small bottle Mang Tomas Sarsa ng Lechon
1 head Minced Garlic
1 large Onion Sliced
1 tsp. Ground Black pepper
1 cup+ Brown Sugar
1/2 cup Vinegar
1/2 cup Soy Sauce
Salt to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Hiwain ang pork liempo ng mga 1 inch ang kapal.
2. Timplahan ng asin at paminta. Hayaan muna ng mga 1 oras.
3. Lutuin ito sa turbo broiler or oven hanggang sa pumula at mag-pop ang balat. Palamigin sandali at hiwain ng pa-cube.
4. Sa isang kaserola, ilagay ang hiniwang nilutong liempo, suka, toyo, bawang, sibuyas, asin at paminta. Lagyan din ng mga 3 tasang tubig.
5. Isalang ito sa kalan at hayaang kumulo.
6. Kung medyo lumambot na ang balat ng liempo, ilagay na ang lechon sauce at brown sugar.
7. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa. Dapat nag-aagaw ang alat, asim at tamis.
8. Hayaan pa ng ilang minuto hanggang sa medyo lumapot na ang sauce.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments
Dennis