PANCIT CANTON AT BIHON GUISADO

Ito ang isa pa na niluto sa aming salo-salo sa Batangas. Si Beth na balikbayan from Ireland naman ang sponsor nito.

Pagdating pa lang namin, nakita ko nang busy siya sa paghihiwa ng mga sahog ng pancit na ito. Kung baga, siya ang namili ng mga pansahog at siya na ang nag-ready nito. Ako lang ang nagluto.

Pancit Bihon na may canton ang gusto niya. Pitso at atay ng manok ang mga sahog. Baguio beans, carrots at kinchay naman ang lahok lang na gulay. Ayaw niya maglagay ng repolyo dahil madali da itong mapanis.

Masarap naman ang kinalabasan ng aking pancit. Inihain namin ito sa lunch at may natira pa para naman sa snacks. Enjoy naman ang lahat.


PANCIT CANTON AT BIHON GUISADO

Mga Sangkap:
1/2 kilo Pancit bihon or rice noodles
1/4 kilo Canton or Egg noodles
2 whole Chicken Breast (pakuluan at himayin - itabi yung pinaglagaan)
5 pcs. Atay ng Manok (pakuluan at hiwain ng maliliit - itabi yung pinaglagaan)
1 large Carrots cut into strips
200 grams Baguio beans cut into 1 inch ling
1 cup Chopped Kinchay
1 cup Soy sauce
2 pcs. Chicken Cubes
1 tsp. Ground Black pepper
3 tsbp. Canola oil
1 head Minced Garlic
1 large Red Onion sliced
salt to taste


Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kawali (yung medyo malaki), igisa ang bawang at sibuyas sa mantika. Halu-haluin.
2. Sunod na ilagay ang carrots at baguio beans. Timplahan ng konting asin, paminta at toyo. Hayaan na maluto ng bahagya.
3. Sunod na ilagay ang hinimay na manok at atay. Halu-haluin.
4. Kumuha ng kalhati sa iginisang gulay at manok. Ito ang gagamiting pang-toppings.
5. Ilagay ang sabaw ng pinaglagaan ng manok at atay. Ilagay na din ang toyo at chicken cubes. Hintaying kumulo. Note: Tantyahan lang anag sabaw na kinakailangan. Kung dry ang bihon na lulutuin dagdagan ng sabaw. Kung hindi naman, konti lang ang isabaw dito.
6. Tikman ang sabaw kung tama na ang lasa. I-adjust.
7. Unang ilagay ang bihon. Haluing mabuti.
8. Sunod na ilagay ang canton noodles. Haluing muli hanggang sa maluto na pareho ang bihon at canton.
9. Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang pang-toppings at ang ginayat na kinchay.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

i♥pinkc00kies said…
pancit!! gusto ko yan :D
Dennis said…
Me too pickcookies.....lalo na pag bagong luto at pipigaan mo ng calamansi...Yummy!!!!

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy