PORK STEAK with LEMON
Isa sa mga top recipe na binu-view sa food blog kong ito ay itong Pork Steak (Bistek na Porkchops).
Kahit ako, isa sa mga paborito kong ulam itong pork steak. Gustong-gusto ko kasi yung lasa ng calamansi at toyo sa sauce.
May nag-email sa akin kung pwede daw na lemon na lang ilagay niya komo nga daw hindi available sa lugar nila ang calamansi. Pinoy na nasa US ata yung nag-email.
Ang sagot ko i-try din niya dahil hindi ko pa rin nasusubukan ang ganun. Kaya nitong nakaraang araw sinubukan kong magluto nga ng pork steak na lemon ang gamit sa halip na calamansi.
To my surprise masarap ang kinalabasan ng pork steak ko na ito. Although mas gusto ko pa rin na calamansi ang gamit, winner pa rin ang dish na ito. Subukan nyo din.
PORK STEAK with LEMON
Mga Sangkap:
1 kilo or 10 pcs. Porkchops
1 pc. Lemon
1/2 cup Soy Sauce
5 cloves minced Garlic
1 large White Onion cut into rings
1 tsp. Worcestershire Sauce
1 tsp. Liquid Seasoning
1 tbsp. Canola oil
1 tsp. Cornstarch
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Gadgarin ng pino ang balat ng lemon. Itabi muna sa isang lalagyan.
2. Timplahan ang porkshops ng asin, paminta at yung ginadgad na balat ng lemon. Hayaan ng 1 oras o higit pa. Overnight mas mainam.
3. Sa isang naon-stick na kawali, i-brown ng bahagya ang magkabilang side ng porchops. Ilagay muna sa isang lalagyan.
4. Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa kaunting mantika.
5. Ilagay ang porkchops, toyo, worcestershire sauce at 3 tasang tubig. Takpan at hayaang maluto hanggang sa lumambot ang karne.
6. Kung malapit nang lumambot ang karne, ilagay ang katas ng lemon at liquid seasoning.
7. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
8. Huling ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.
9. Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang hiniwang onion rings.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!

Comments
A SAHM Reviews.Net
Ay, I'm inviting you pala sa Weekday Potluck Meme, open siya every Tuesday to Thursday :)