ROASTED LEMON CHICKEN

Marami-rami na din akong roasted chicken recipes sa archive. Hindi ko na alam kung ilan ito. Ofcourse pinaka-paborito ko dito ang aking Antons Chicken na ipinangalan ko sa aking bunsong anak na si Anton.


Paborito sa bahay ang roasted chicken. Basta ito ang ulam, asahan mong maganang kumain ang mga bata. Samahan mo pa ng homemade na gravy ay tiyak kong panalo ang kainan.


In roasting a chicken, importante ang flavor na i-inject mo sa chicken. Importante na atleat overnight mo ito i-marinade para mas malasa. Ang mga herbs and spices ay importante din para mas lalong maging espensyal ang inyong roasted chicken.


Minsan, may nabasa akong recipe ng roasted chicken na napaka-simple at napakadaling tandaan. Alam ko foreigner na taga Europe ata yung may ari ng blog. Ang nakuha ko dun ay yung pagtusok-tusok sa lemon bago ipasok ito sa katawan ng manok. At yun nga nag-burst ang lahat ng flavor ng lemon sa loob ng manok. Ang resulta? Isang malasa at masarap na roasted chicken. Try nyo din.


ROASTED LEMON CHICKEN

Mga Sangkap:
1 whole Chicken (about 1+ kilo)
1 whole Lemon
1/2 cup Olive oil
2 tbsp. Rock salt
1 tsp. ground Black pepper

Paraan ng pagluluto:
1. Gadgarin ang balat ng lemon at ilagay sa isang bowl.
2. Pagsamahin sa bowl ang ginadgad na balat ng lemon, asin, paminta at olive oil. Haluin mabuti.
3. Imasahe sa balat at loob ng manok ang pinaghalong mga sangkap.
4. Tusuk-tusukin ang lemon ng tinidor at ipasok sa loob ng manok.
5. Ilagay ang manok sa isang plastic bag o zip block kasama ang pinaghalong marinade mix. Ilagay sa fridge at hayaan ng overnight.
6. Lutuin ito sa init na 300 degrees hanggang sa maluto at pumula ang balat.

Ihain na may kasamang gravy o paborito ninyong lechon sauce.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
sarap niyan with Mang Tomas!!!
Dennis said…
Correct J....pero ako homemade gravy ang ginamit ko...hehehe

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy