SPICY CHICKEN ADOBO with EGG
Ang pinoy na hindi marunong magluto ng adobo ay hindi Pilipino. Bakit naman? Kahit saang lupalop ng Pilipinas ay may version ng pambansang ulam na ito. Hehehehe. Mapa-gulay man o karne, isda man o manok, kahit ano pa yan ay pwedeng i-adobo.
Sa pagluluto ng adobo, kanya-kanyang diskarte tayong mag Pilipino. Depende na siguro sa panlasa ng magluluto at kakain ang nagiging timpla nito. Para sa akin, gusto ko yung nag-aagaw ang asim ng suka, alat ng toyo at lasa ng bawang. Nito ko lang nadiskubre na masarap pala yung medyo spicy ito. At ito ang ginawa ko sa version kong ito ng chicken adobo. May konting anghang. Hehehehe.
SPICY CHICKEN ADOBO with EGG
Mga Sangkap:
1 kilo Chicken (any part..kung alin ang gusto ninyo. Cut into serving pieces)
1 head Minced Garlic1 cup Vinegar
3/4 cup Soy Sauce
1 tsp. Garlic Powder
1 tsp. Chili Powder (adjust nyo na lang depende sa anghang na gusto nyo)
Hard boiled Eggs (depende kung ilan ang gusto ninyo)
1 tsp. Ground Black pepper
1 cup water
2 pcs. Dried laurel
1 tsp. Maggie Magic Sarap (optional)
Paraan ng pagluluto:
1. Pagsamasahin lang ang lahat ng sangkap sa isang kaserola maliban sa hard boiled eggs.2. Pakuluan ito at lutuin hanggang sa kumonte na lang ang sabaw.
3. Tikman at i-adjust ang lasa.
4. Ilagay ang nilagang itlog bago hanguin. Hayaang ma-coat ng sauce ang itlog.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments
Thanks for visiting
Dennis :)