THREE VEGGIES and HUNGARIAN SAUSAGE PASTA

Ang hirap pakainin ng gulay ang mga bata di ba? Ewan ko ba sa anak kong si James kung bakit hindi ko talaga siya mapakain ng gulay. Hindi naman din niya masabi kung bakit. Kahit nga yung maliliit lang na piraso talagang makikita mong itinitira niya sa plato niya.

So, papaano ang gagawin natin sa mga kasong ganito? E di i-hide natin ang gulay sa mga pagkaing lulutuin natin.

Kagaya nitong recipe natin for today. Sa halip na tomato sauce ang gamitin ko sa pasta dish na ito. Gulay na carrots, red bell pepper at kamatis ang inilagay ko. Papaano? Sa tulong ng blender. Hehehehe. Actually, nabasa ko rin lang ang ganitong recipe sa isa pang food blog na sinusubaybayan ko.

O hindi ba? At ang daming nakain ng anak kong si James. hehehehe




THREE VEGGIES and HUNGARIAN SAUSAGE PASTA


Mga Sangkap:


500 grams Fettucine Pasta cooked according to package directions


1/2 kilo Kamatis quatered


1 large Carrot cut into cubes


1 large Red Bell Pepper cust also into cubes


3 pcs. Hungarian Sausage


100 grams Bacon cut into small pieces


5 cloves minced Garlic


1 large Onion finely chopped


3 tbsp. Olive oil


2 cups grated Cheese


1/2 tsp. Dried Basil


salt and pepper to taste


Paraan ng pagluluto:


1. Lutuin ang pasta accotding to package directions.


2. I-puree ang kamatis, carrots at red bell pepper. Set aside.


3. Sa isang sauce pan, igisa ang bawang at sibuyas sa olive oil. Isama na din ang bacon at hungarian sausage. Hayaang ma-prito ang mga ito.


4. Sunod na ilagay ang ginawang vegetable sauce. Timplahan ng asin, paminta at dried basil. halu-haluin.


5. Ilagay ang 1 cup na grated cheese.


6. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.


7. Patayin ang apoy at isama sa sauce ang pasta na niluto. Haluing mabuti hanggang sa ma-coat ng sauce ang lahat ng pasta.


8. Hanguin sa isang lalagyan at ilagay ang natitira pang grated cheese sa ibabaw.


Ihain habang mainit pa.


Enjoy!!!!


Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy