WAKNATOY ng MARIKINA = PORK MENUDO



Oo. Tama kayo. Pork menudo lang ang Waknatoy na ito na entry natin for today. Nakuha ko lang din ang recipe na ito sa isa sa paborito kong food blog ni Ms. Connie Veneracion.



Sa Marikina ang origin ng tawag sa dish na ito. Hindi ko alam kung chinese word ba ito o kung ano. Madalas itong inihahanda sa mga espensyal na okasyon sa Marikina.



Kagaya ng nasa title, ang dish na ito ay ang mas kilala natin na pork menudo. Ang pagkakaiba lang nito ay nilalagyan ito ng pickle relish para mas sumarap pa. Ang tama nga, mas nag-level up ang ating pork menudo.



WAKNATOY ng MARIKINA - PORK MENUDO


Mga Sangkap:

1 kilo Pork Kasim

1/2 kilo Pork Liver

1 large Carrot

2 pcs. large Potatoes

2 pcs. large Red Bell pepper

1/2 cup Sweet Pickle Relish

1 pouch tomato Sauce

2 tbsp. Worcestershire Sauce

5 cloves Minced Garlic

1 large Onion chopped

2 pcs. Tomatoes chopped

2 tbsp. Canola oil

1/2 cup Vinegar

1/2 cup Soy Sauce

Salt and pepper to taste


Note: Hiwain ang karne, atay at mga gulay nang pa-cubes. Dapat magkakasinglaki ang hiwa.


Paraan ng Pagluluto:

1. Sa isang kaserola, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa mantika.

2. Ilagay ang karne ng baboy at timplahan ng asin at paminta. Halu-haluin.

3. Ilagay ang suka, toyo, worcestershire sauce at dalawang tasang tubig. Takpan at hayaang maluto ang karne. Maaring lagyan ng tubig kung kinakailangan.

4. Kung malapit nang lumambot ang karne, ilagay ang sweet pickle relish, patatas, carrots, red bell pepper at tomato sauce. Takpan muli at hayaang maluto ang patatas.
5. Kung malapit nang maluto ang patatas, ilagay na ang atay ng baboy. Hayaang maluto ito.
6. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Nanette said…
Hi Dennis! Are you from Marikina? My mom is also from Marikina. Haven't try this dish but will do today kasi may natikman ako na menudo na may pickles. Post comment within the week... Thanks. Happy New Year!
Dennis said…
Hi Nanette,

No. Taga Bulacan ako. Yung dish na ito nabasa ko rin lang sa net. Masarap ang dish na ito. Pwede sa mga okasyong kagaya ng pasko at bagong Taon.

Regards


DEnnis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy