BRAISED PORK RIBS in HOISIN SAUCE
Paborito sa bahay ang pork ribs. Kahit anong luto ang gawin dito ay siguradong patok. Mapa-nilaga man o sinigang, may sabaw man o wala ay gustong-gusto ng pamilya ko lalo na ng aking mga anak. Minsan naman pinapalambot ko muna ito at saka ko niluluto ulit sa turbo broiler. Gamit ang kung ano-anong mga sauce, lalong nagiging masarap ang pork ribs na ito.
At ito nga ang inulam namin nitong isang araw. As expected, ubos na naman ang aming kanin. hehehehe.
Try nyo ito, madali lang lutuin.
BRAISED PORK RIBS in HOISIN SAUCE
Mga Sangkap:
1.2 kilo Pork Ribs (cut in between bones)
3 tbsp. Hoisin Sauce
3/4 cup Soy Sauce
1 head Minced Garlic
1 cup Brown Sugar
1 tsp. ground Black Pepper
Salt to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola na non-stick, pagsama-samahin ang ang lahat ng mga sangkap at lutuin hanggang sa lumambot ang karne. Maaring lagyan ng tubig kung kinakailangan.
2. Halu-haluin lang paminsan-minsan para maging parehas ang pagkakaluto ng lahat ng mga ribs.
3. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
4. Kung kakauntin na ang sauce at malambot na ang karne, mmari na itong hanguin.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments