CHAMPORADO at TUYO Espesyal
Kapag ganitong umuulan, dalawa lang ang masarap gawin sa bahay. Ang matulog at ang kumain ng mga pagkain nababagay sa panahon.
Katulad nitong champorado at tuyo na masarap kainin sa umagahan. At ito ang inalmusal namin nitong nakaraang araw. Wow! Yummy talaga.
Ewan ko ba kung bakit ang ka-terno ng champorado ay tuyo. Siguro dahil magka-kontra ang mga lasa nito. Matamis at maalat. Pero ito ang mga pagkain na hinahanap-hanap ng mga kababayan natin na nasa ibang bansa.
Sa champorado ko nga palang ito, ginamitan ko ito ng purong tablea na bigay ng aking biyenan na si Inay Elo. Apat na piraso ang ginamit ko para maging mas malasa at nilagyan ko pa ng butter para mas maging espesyal.
CHAMPORADO at TUYO Espesyal
Mga Sangkap:1-1/2 cup Malagkit na Bigas
4 - 5 pcs. Tablea (cacao)
Brown Sugar to taste
1/2 cup Butter
Evaporated milk
Fried Tuyo (mas masarap yung may kaliskis)
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola pakuluan ang malagkit na bigas hanggang sa madurog.2. Ilagay ang tablea o cacao. Halu-haluin. Lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.
3. Kung durog na durog na ang bigas at tama na ang lapot nito, ilagay na ang butter at asukal na brown.
4. Tikman at i-adjust ang tamis nito.
5. Isalin sa isang bowl at lagyan ng gatas na evap sa ibabaw.
Ihain kasama ang piniritong tuyo.
Enjoy!!!!
Comments
Dennis