CHAMPORADO at TUYO Espesyal


Kapag ganitong umuulan, dalawa lang ang masarap gawin sa bahay. Ang matulog at ang kumain ng mga pagkain nababagay sa panahon.

Katulad nitong champorado at tuyo na masarap kainin sa umagahan. At ito ang inalmusal namin nitong nakaraang araw. Wow! Yummy talaga.

Ewan ko ba kung bakit ang ka-terno ng champorado ay tuyo. Siguro dahil magka-kontra ang mga lasa nito. Matamis at maalat. Pero ito ang mga pagkain na hinahanap-hanap ng mga kababayan natin na nasa ibang bansa.

Sa champorado ko nga palang ito, ginamitan ko ito ng purong tablea na bigay ng aking biyenan na si Inay Elo. Apat na piraso ang ginamit ko para maging mas malasa at nilagyan ko pa ng butter para mas maging espesyal.


CHAMPORADO at TUYO Espesyal

Mga Sangkap:
1-1/2 cup Malagkit na Bigas
4 - 5 pcs. Tablea (cacao)
Brown Sugar to taste
1/2 cup Butter
Evaporated milk
Fried Tuyo (mas masarap yung may kaliskis)


Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola pakuluan ang malagkit na bigas hanggang sa madurog.
2. Ilagay ang tablea o cacao. Halu-haluin. Lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.
3. Kung durog na durog na ang bigas at tama na ang lapot nito, ilagay na ang butter at asukal na brown.
4. Tikman at i-adjust ang tamis nito.
5. Isalin sa isang bowl at lagyan ng gatas na evap sa ibabaw.

Ihain kasama ang piniritong tuyo.

Enjoy!!!!

Comments

Anonymous said…
it's almost dinner time and nagutom ako sa post mo na pangbreakfast naman. haha
Vanessa said…
favorite ko po yan, lalo na ngayong tag-ulan! nakakatuwa pa kasi kahit onting malagkit lang, madami na makakakain. pwede rin nyo po ibabad yung malagkit overnight para the next day, madali lumambot. :)
J said…
Champorado brings back memories of my childhood. :-)
Dennis said…
@ thehungrygiant.....Salamat sa pagbisita...nag-visit na rin ako sa blog mo ha....nice one....ang gaganda ng pictures....
Dennis said…
@ Vanessa....tama ka...ganyan nga ang ginagawa ng nang ko nung araw....salamat sa tip ha. Salamt din sa pag-bisita...:)
Dennis said…
Pareho tayo J....Basta tag-ulan ito ang madalas na nilulutyo ng Inang ko para sa amin....:)
Unknown said…
ngayon ko lang narinig na may butter ang champorado ,mas masarap po ba na mayroon nito? :) nag research po kase ako ng masarp na champorado kase ipagluluto ko po ang Singaporean na bisita namin sa church.
Dennis said…
Yes Theresa....Alam mo naman na ang butter works wonders....kahit anong luto basta nilagyan mo ng butter lalong sumasarap. Try it. I'm sure magugustuhan ito ng Singaporean friend mo.


Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy