CHIX LIVER with MIX VEGETABLES

Ito yung vegetable dish na niluto ko para sa birthday ng anak kong si James.

Para din siyang chopsuey yun lang brocolli at iba pang gulay ang ginamit ko dito. Also, sa halip na lutuin ko siya sa iisang lutuan at kagaya ng nakagisnan natin, nilubog ko sandali ang gulay sa kumukulong tubig (blanching) at saka ko inihalo sa naluto ko nang iba pang sangkap. Ang resulta? Hindi na-overcooked ang gulay at naging mas masarap itong kainin.

Nagustuhan ko ang vegetable dish na ito. Yun lang hindi ko na naisama pa ang iba pang gulay (baguio beans at sayote) dahil sa pagmamadali ko. hehehehe


CHIX LIVER with MIX VEGETABLES

Mga Sangkap:
1 kilo Chicken Liver
300 grams Squid balls (cut into half)
2 heads Brocolli cut into bite size pieces
1 large Red Bell Pepper
1 large Carrot
100 grams Celery
100 grams Young Corn
1/2 cup Oyster Sauce
1 tsp. Brown Sugar
Salt and pepper to taste
5 cloves minced Garlic
1 large White Onion sliced
1 tsp. Cornstarch

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, magpakulo ng tubig.
2. Sa isang kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa kaunting mantika.
3. Sunod na ilagay ang atay ng manok. Timplahan na din agad ng asin at paminta. Hayaan lang hanggang sa mawala ang pagka-pink ng atay.
4. Ilagay na ang squid ball at yung hiniwang tangkay ng celery. Ilagay na din ang red bell pepper.
5. Ilagay na din agad ang oyster sauce at brown sugar. Lagyan din ng mga 1/2 tasang tubig. Hayaan ng mga 1 minuto.
6. Ilagay ang tinunaw na cornstarch. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa. Patayin na ang apoy ng kalan.
7. Sa tubig na pinakuluuan, ilagay ang carrots at young corn. Hayaan muna ng 1 minuto at saka ilagay naman ang brocolli. Hayaan ng ilang sandali hanggang sa maluto ang gulay. Huwag i-overcooked.
8. I-drain ang gulay at islain naman sa nilutong atay.
9. Haluin mabuti at saka isalin sa isang lalagyan.
10. Ilagay ang hiniwang dahon ng celery sa ibabaw.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!


Note: Pwede kayong maglagay pa ng iba pang klaseng gulay kagaya ng baguio beans o sayote. Thanks

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy