CRISPY CHICKEN SKIN


Ito ang tinatawag na pagkaing pampabata. Hehehehe. Pampabata kasi hindi ka na tatanda...mapapa-aga ang buhay mo...hehehehe.

Pero syempre naman ang lahat ng sobra ay nakakasama. Kung paminsa-minsan ka lang naman kakain nito ay okay lang. Just make sure na iinom ka ng tsa-a pagka-kain mo nito. Hehehehe.

Magluluto kasi ako ng chicken cordon bleu (abangan yung post ko para dito). Yung nabili kong chicken breast fillet ay may nakasama pang balat. Nanghihinayang naman ako na itapon lang ito kaya naman naisipan kong gawin itong chicharon. And you know what? Ang sarap ng kinalabasan ng crispy chicken skin na ito. Pero sabi ko nga, hinay-hinay lang sa pagkain nito, lalo na yung matataas ang cholesterol.


CRISPY CHICKEN SKIN

Mga Sangkap:
1/2 kilo Chicken skin
1 tbsp. Ginisa Mix
1 cup Cornstarch
salt and pepper to taste
2 cups Cooking oil for frying

Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang chicken skin sa Ginisa mix, asin at paminta. Hayaan ng mga 15 minuto.
2. Ihalo ang cornstarch hanggang sa ma-coat ang lahat ng mga balat ng manok.
3. I-prito ito sa kumukulong mantika in batches hanggang sa mag-golden brown.
4. Hanguin sa isang lalagyang may paper towel.

Ihain na may kasamang sawsawang suka na may sili.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
Miss ko na yan... dati P5 lang ang isang supot ng crispy chicken skin. Baka P20 na ngayon hehe
Dennis said…
Hahahaha..... May P10 pa ata....yun lang 4 na piraso lang ata....hehehehe. Gawa ka na lang magsasawa ka hanggang kumapal ang batok mo....hahahaha
anne said…
sarap nito pag may suka, ay naku iniimagine ko pa lang naglalaway na ako hehehe mine is up and its here thanks Little World of Fun
masarap nga talaga ito,huwag lang mapasobra ng kain.
jellybelly said…
Super with sinamak! Stopping by from Food Trip Friday!
Gene said…
Sakit sa batok! Hehehe! Ayoko ng chicken skin, except sa Jollibee. Dun lang ako nag-e-excuse para lang makatikim ng balat ng manok.

visiting via ftf

http://foodie.corbitoness.com
i♥pinkc00kies said…
we do it too coz my sis loves it! we use the garlic-flavored breading mix for porkchop/ chicken too :D
Cheerful said…
miss ko na po iyang chicken skin...although we can have once in a while kapag sa fried chicken. hehehe! visiting from FTF, have a great week. :)
Dennis said…
Naku Ann sinabi mo. Ako nga nagpigil lang talaga dahil maliliit pa ang mga anak ko. Hehehehe
Dennis said…
@ Foodtripfriday....Yummy talaga basta wag lanbg sosobra. Thanks for visiting :)
Dennis said…
@ jellybelly...Tama ka, masarap nga ito sa sinamak. Kaya lang too strong para sa mga kids. Kung sa puylutan ito panalo...hehehe
Dennis said…
@ Gene. SAbi mo lang yan...hehehehe. Pero pag nakatikim ka ng ganito...mababago ang pananaw mo....hehehehe
Dennis said…
@ pinkcookies....Yup...ganyan nga dapat ang gagawin ko...garlic flavored breading mix kasi naubusan ako kaya ginisa mix na lang at cornstarch. Yummy!
Dennis said…
@ Cheerful....Ok ito basta paminsan-minsan lang....hehehehe. Thanks for visiting
Anonymous said…
paminsan minsan nga talaga ito. parang, magkalevel sila ng aligue. hahaha pero guilty pleasure ko ito. haha

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy