CRISPY CHICKEN SKIN
Ito ang tinatawag na pagkaing pampabata. Hehehehe. Pampabata kasi hindi ka na tatanda...mapapa-aga ang buhay mo...hehehehe.
Pero syempre naman ang lahat ng sobra ay nakakasama. Kung paminsa-minsan ka lang naman kakain nito ay okay lang. Just make sure na iinom ka ng tsa-a pagka-kain mo nito. Hehehehe.
Magluluto kasi ako ng chicken cordon bleu (abangan yung post ko para dito). Yung nabili kong chicken breast fillet ay may nakasama pang balat. Nanghihinayang naman ako na itapon lang ito kaya naman naisipan kong gawin itong chicharon. And you know what? Ang sarap ng kinalabasan ng crispy chicken skin na ito. Pero sabi ko nga, hinay-hinay lang sa pagkain nito, lalo na yung matataas ang cholesterol.
CRISPY CHICKEN SKIN
Mga Sangkap:
1/2 kilo Chicken skin
1 tbsp. Ginisa Mix
1 cup Cornstarch
salt and pepper to taste
2 cups Cooking oil for frying
Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang chicken skin sa Ginisa mix, asin at paminta. Hayaan ng mga 15 minuto.
2. Ihalo ang cornstarch hanggang sa ma-coat ang lahat ng mga balat ng manok.
3. I-prito ito sa kumukulong mantika in batches hanggang sa mag-golden brown.
4. Hanguin sa isang lalagyang may paper towel.
Ihain na may kasamang sawsawang suka na may sili.
Enjoy!!!!
Comments
visiting via ftf
http://foodie.corbitoness.com