HOISIN-HONEY-LEMON GLAZED PORK CHOPS


Kapag nagpapabaon tayo ng pagkain sa ating mga anak, importante na yung mga ulam na hindi madaling mapanis ang ating inihahanda. O kaya naman, bago natin takpan ang lalagyan, palamigin muna natin ito ng sandali. Kahit sa kanin, pasingawin muna natin ito ng sandali bago natin takpan.

Itong entry ko for today ay okay na okay na pambaon sa school ng mga bata. Hindi kasi ito madaling mapanis at magugustuhan talaga nila dahil lsang barbeque ito. Pagsamahin mo ba ang hoisin sauce, honey at lemon, papaanong hindi ito sasarap. Hehehehe. Isa pa, madali lang itong lutuin.


HOISIN-HONEY-LEMON GLAZED PORK CHOPS

Mga Sangkap:
10 pcs. Pork chops
1/2 Lemon (juice at yung zest nito ang kailangan)
2 tbsp. Hoisin Sauce
2 tbsp. Honey
2 tbsp. Soy Sauce
1 thumb size grated Ginger
5 cloves minced Garlic
1 medium size Onion chopped
1 tbsp. Brown Sugar
salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ng overnight ang porkshops sa asin, paminta, katas ng lemon at yung ginagad na balat ng lemon o lemon zest.
2. I-pan-grill ang porkchops hanggang sa pumula ang balat at maluto. Ilagay muna sa isang lalagyan.
3. Sa isang kawali, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa kaunting mantika.
4. Ilagay ang hoisin sauce, honey, soy sauce at brown sugar. Haluin-haluin. Dapat hindi mahina lang ang apoy ng kalan.
5. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
6. Ibalik sa kawali ang porkchops at balutin ito ng sauce.l

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy