JAMES 11th BIRTHDAY

Ipinagdiwang kahapon August 19, 2011 ng pangalawa kong anak na si James ang kanyang ika-11 kaarawan. Kaya naman kahit papaano ay naghanda ako ng mga pagkain na gusto niya. Ang hiling lang talaga niya ay pasta carbonara at yung fried chicken daw na kagaya nung niluluto ng Tita Shirley niya. At yun nga ang dalawa sa mga inihanda ko. Sinamahan ko na din ng Chicken Liver with Mix Vegetables at broiled na pork liempo.

Alam nyo ang nakakatawa sa handaan na ito? Pumasok pa kasi ako sa office ng araw na yun. Half day kung baga. Ang asawa ko namang si Jolly ay um-attend ng seminar kaya napagkasunduan namin na mag-sabay na lang pag-uwi. Sa kasamaang palad ay naipit kami ng traffic sa EDSA. may sale kasi sa SM Makati at napaka-traffic talaga. 3pm na kami nakadating sa bahay at talaga namang hilong talilong ako dahil 5pm ang dating ng aming mga bisitan na manggagaling pa ng Bulacan.

Sa madaling salita kulang 2 oras lamang ang aking iginugol sa pagluluto ng lahat ng mga putahing ito. And savef by the bell, saktong naluto ko ang pang-huling putahe dumating ang mga bisita. hehehehe

Nawala ang pagod go dahil tuwang-tuwa naman ang aking anak na may birthday at magustuhan ng mga bisita ang pagkaing aking inihanda.

Dumating ang Ninang ni James na si Mareng Yollie (in white shirt) at Ninong niya na si Pareng Raymond (guy in blue). Nasa larawan din ang pinsan kong si Girliena may dala pang napaka-sarap na cake mula sa Contis.

Syempre, mawawala ba ang aking bunsong kapatid na si Shirley. (girl sa kaliwa)

Dumating din ang Aking Tia Lagring, pinsang kong si Ate Precy, ang mga pamangkin kong sina Lea, Rochelle, Adriane, Salve at Joy. Ofcourse present din ang mga kainbigan kong sina Ate Joy at Nelson. Dumating din ang isa pang Ninang ni James na si Lita na kapatid ng asawa kong si Jolly.

Nakaraos ang masaganang kainan. Ang lahat ay nabusog at yung iba pa ay nakapag-uwi pa ng konitng handa.

Dalangin ko sa Diyos na sana ay magkaroon pa ng maraming kaarawan ang aking anak na si James. Lumaki nawa siya na malusog, malaksa ang pangangatawan, may pagmamahal sa Diyos ay may pag-galang at pagmamahal din sa kanyang mga magulang at mga kapatid.

AMEN.....


This is my entry for Food Trip Friday @ http://www.foodtripfriday.net

FTFBadge

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy