PASTA CARBONARA version 3


Ito ang pasta dish na niluto ko nitong nakaraang birthday ng anak kong si James. Ito kasi ang hiniling niya na lutuin kaya naman pinagbigyan ko ang may birthday. Sa mga anak kong nagbe-birthday, tinatanong ko sila kung ano ang gusto nilang iluto ko. At sa anak ko nga si James ay itong carbonara at naked fried chicken ang aking iniluto.

Pang-3rd version ko na ang carbonara na ito. Sa katunayan, tuwing magluluto ako nito ay tiyak na hit sa mga kumakain. Sa lahat nga ng inihanda ko nitong birthday ni James, ito ang puring-puri nila. Kaya naman hindi ko matiis na hindi ito i-post muli. Syempre naman may mga improvements akong idinagdag.


PASTA CARBONARA version 3

Mga Sangkap:
1 kilo Spaghetti Pasta
300 grams smoked ham cut into strip
500 grams Bacon cut into small pieces
1 tetra brick Nestle all purpose cream
1 tall can Alaska Evap (Red label)
1 big can Sliced mushroom
1 bar cheddar cheese grated
1/2 cup butter
2 large red onion chopped
1 head minced garlic
salt and pepper
Maggie Magic Sarap (Optional)
olive oil
1/2 cup chopped parsley


Paraan ng pagluluto:

1. Iluto ang pasta ayon sa tamang paraan. Huwag i-over cooked. Hanguin sa isang lalagyan.
2. Sa isang kawali o non-stick pan, i-prito ang bacon sa butter hanggang sa pumula. Hanguin ang kalhati sa isang lalagyan
3. Ilagay ang butter at igisa ang bawang at sibuyas. Isunod na din ang ham.
4. Ilagay na rin ang sliced mushroom. Hayaan nga mga 1 minuto. Halu-haluin
5. Ilagay ang all purpose cream, alaska evap at kalhate ng grated cheese
6. Timplahan ng asin, paminta at maggie magic sarap. Halu-haluin
7. Lagyan ng olive oil ang pasta at i-toss
8. Ilagay dito ang sauce at halu-haluin
9. Ilagay sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang piniritong bacon, parsley at natitira pang grated cheese.

Ihain na may kasamang toasted garlic bread o bread stick.

Enjoy!!!


Comments

Jed Medina said…
Maraming Salamat po sa recipe. Ako po sa kasalukuyan ay nagtratrabaho dito sa Ras Tanura, sa Saudi Arabia. Nandito kami sa pinaka sentro ng langis ngayon kaya masyadong mainit at iisa lang ang tangi naming libangan - kumain ng masarap na putaheng pinoy.

I just discovered your amazing blog kaya nag start na akong magluto following your recipes. This is my first comment and definitely not the last. Maraming salamat dahil lalung naging masarap at kalibang libang ang aming pagluluto sa mga dekalidad mong mga putahe.

More power to you Sir!
Dennis said…
Salamat Jed. Natutuwa naman ako at nakakatulong pala kahit papaano ang food blog kong ito. I hope ma-chare mo din ito sa mga kaibigan mo at kamag-anak. Kung may mga tanong ka pa email mo lang ako sa denniscglorioso@yahoo.com

Thanks again

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy