PORK & MUNG BEANS SPRING ROLL
Ito yung isa sa mga niluto ko nitong nakaraang birthday ng aking bunsong anak na si Anton. Marami sa atin ang tawag dito ay lumpiang shanghai. Pero ito ang aking itinawag dito komo nga iba ang aking inilaman sa lumpia at isa pa iniba ko ang paraan ng pagluluto. Nakuha ang ganitong idea sa aking kapit bahay na si Ate Joy. Pag may kainan din sa kanila madalas din siyang magluto nito.
Nung una bakit daw ito pa ang niluto ko sabi ng aking asawang si Jolly. Matrabaho daw masyado. Sabi ko naman okay lang. Ang mainam kasi sa dish na ito mura lang ang magagastos pero marami kang mapapalabas na lumpia. Ayos na ayos ito sa mga handaan.
PORK & MUNG BEANS SPRING ROLL
Mga Sangkap:
1/2 kilo Ground Pork
3 cups Mung Beans (ito yung green monggo beans na bahagya pa lang tumutubo. Yung wala na yung green na balat)
1/2 cup chopped Kinchay
1 large white Onion chopped
5 cloves minced Garlic
1 cup grated Cheese
2 tbp. Oyster Sauce
Salt and pepper to taste
40 pcs. Lumpia wrapper
3 cups Cooking oil
1 tsp. Cornstarch
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa kaunting mantika. Halu-haluin.
2. Sunod na ilagay ang giniling na baboy. Timplahan na ng asin at paminta. Halu-haluin hanggang sa mawala ang pagka-pink ng giniling.
3. Sunod na ilagay ang oyster sauce at mung beans. Halu-haluin. Tikman at i-adjust ang lasa.
4. Hanguin sa isang lalagyan at palamigin.
5. Bago balutin ihalo na ang kinchay at grated cheese. Haluing mabuti.
6. Balutin sa lumpia wrapper ayon sa nais na laki. Lagyan ng tinunaw na cornstarch ang gilid ng lumpia wrapper para hindi bumuka.
7. I-prito ito sa mainit na mantika hanggang sa mag-golden brown ang kulay. Hanguin sa isang lalagyang may paper towel para maalis ang excess na mantika.
Ihain ito habang mainit pa kasama ang paborito niyong catsup o kaya naman ay sweet chili sauce.
Enjoy!!!!

Comments