PORK POCHERO


This is my entry @ www.foodtripfriday.net.

Isa sa mga paborito kong luto sa pork ay itong pork pochero. Gustong-gusto ko kasi yung manamis-namis na lasa ng sauce at yung kung ano-anong gulay na lahok dito. Kahit nga sauce lang at may konting gulay ay solve-solve na ang kain mo.

Pero alam nyo ba na ang pochero sa Cebu ay hindi ganito? Ang pochero sa kanila ay yung Bulalo dito sa Manila. Sabagay, parang ganun din kasi ito niluluto. Nilalaga muna ang karne at lalahukan ng gulay. Yun lang walang tomato sauce ang pocherong Cebu.

Try nyo ito. Para sa akin, espesyal na pagkain ito sa isang espesyal na okasyon.


PORK POCHERO

Mga Sangkap:
1 kilo Pork Kasim cut into cubes
2 pcs. Chinese Sausages or Longanisang Macao sliced
Pechay
Repolyo
5 pcs. Saging na Saba cut into 2
1 small can Garbanzos
2 cups Tomato Sauce
Brown Sugar to taste
5 cloves minced Garlic
1 large Onion sliced
2 tbsp. Olive oil
salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1. Pakuluan ang karne ng baboy sa tubig na may konting asin hanggang sa lumambot. Itabi ang sabaw na pinalagaan.
2. Sa isang kaserola, igisa ang bawang, sibuyas at chinese sausage sa olive oil. Halu-haluin.
3. Ilagay ang pinalambot na karne ng baboy at ang tama lang na dami ng sabaw na pinaglagaan. Hayaang kumulo.
4. Ilagay na ang tomato sauce, saging na saba at timpalahan ng asin, paminta at brown sugar. Hayaan ng mga 5 minuto.
5. Ilagay na ang repolyo, pechay at garbazos.
6. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa. Maaring patayin na ang apoy ng kalan para hindi ma-overcooked ang gulay.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Note: Pwede ding lagyan ng kamote, Baguio beans ang dish na ito. TY

Comments

J said…
Kuya nagluto din ako niyan a few weeks ago. Di ko pa napost sa blog ko. Nagustuhan din ng asawa ko hehehe.
Dennis said…
Nakakatuwa yung may niluto ka tapos napupuri ng mga kumakain. Para bang gusto mong magluto nang magluto kung ganun ang madidinig mo di ba? Regards....
darly said…
i thought pochero is the same all over, that's a nice trivia

Enjoy the week ahead, here's my FTF entry, hope you check it out too
ang sarap nito at ang dali pa ng recipe.Thanks for joining!

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy