SPAGHETTI with CHEESY TOMATO & CREAM SAUCE
Ito yung pasta dish na niluto ko para sa 9th birthday ng bunso kong anak na si Anton. Gusto kasi niya red kaya ito ang niluto ko.
Actually, may idinagdag ako sa sauce para mas maging masarap. Natutunan ko ito sa aking Tia Ineng sa Bulacan. Nung minsan kasi na mauwi kami, ni-request niya na ako ang magluto ng spaghetti sauce na lulutuin niya. Nagulat na lang ako na pinalalagyan niya ito ng all purpose cream. At nagulat naman talaga ako dahil masarap nga ang kinalabasan. Kahit ang aking mga anak at ang ilan kong bisita ay nagustuhan din ang spaghetti ko na ito. Try nyo din.
SPAGHETTI with CHEESY TOMATO & CREAM SAUCE
Mga Sangkap:
1 kilo Spaghetti pasta (cooked al dente)
300 grams Smoked Sausages sliced
300 grams Sweet Ham sliced
1 big can Del Monte Four Cheese Spaghetti sauce
1 tetra brick All Purpose Cream
2 cups grated Cheese
1 tsp. Dried Basil
1 tsp. Sugar
3 tbsp. Olive oil
1 tsp. grounf Black pepper
5 cloves minced Garlic
1 large Red Onion chopped
Salt to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Lutuin ang spaghetti pasta according to package direction.
2. Sa isang sauce pan o kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa olive oil. Halu-haluin.
3. Sunod na ilagay ang smoked sausages at ham. Hayaan ng mga 3 minuto. Halu-haluin.
4. Ilagay na ang four cheese spaghetti sauce at 1 cup na grated cheese. Hayaan maluto.
5. Timplahan na din ng dried basil, sugar, paminta at asin. Tikman at i-adjust ang lasa.
6. Huling ilagay ang all purpose cream. Halu-haluin.
7. Ihalo ang nilutong sauce sa pasta. Haluin mabuti.
8. Ilagay sa ibabaw ang natitira pang grated cheese.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Note: Pwedeng itong i-serve na hiwalay ang sauce at pasta. Maaari ding lagyan ng choppped parsley ang ibabaw. thanks

Comments