ARROZ VALENCIANA - Asian Style

Nakaraos na ang birthday ko yesterday at sa awa ng Diyos ay 44 na ako ngayon. hehehe. At itong entry ko for today ang isa sa mga dish na niluto ko para sa aking mga officemates. Marami kasi sa kanila ang follower din ng foodblog kong ito at sana naman daw ay makatikim sila ng mga niluluto. At eto na nga.

Naisipan kong isama sa aking birthday menu itong Arroz Valenciana na kinuha ako ang recipe sa namayapa kong Inang Lina dahil gustong-gusto ko ito. Nakakatuwa naman at kahit papaano ay nakuha ko ang lasa na katulad ng niluluto ng aking Inang.

Akala nyo siguro mahirap lutuin ang dish na ito. Pero sa totoo lang, napakadali lang nitong lutuin. Basta maganda lang ang klase ng malagkit at jasmine rice na gagamitin, sigurado akong masarap ang kakalabasan ng inyong valenciana.


ARROZ VALENCIANA - Asian Style

Mga Sangkap:
2 cups Malagkit na bigas
3 cups Jasmine or long grain Rice
3 tbsp. Achuete seeds
300 grams Chicken thigh fillet (cut into bite size pieces)
200 grams Chicken Liver (cut into bite size pieces)
3 pcs. Chinese Sausage or Chorizo de Bilbao sliced
2 pcs. large Potatoes (cut into cubes)
1 large Carrot (cut also into cubes)
2 large Red/Green Bell pepper (cut also into cubes)
2 cups Coconut Cream
2 cup Tomato Sauce
3 pcs. hard boiled Eggs (sliced)
2 pcs. Knorr Chicken Cubes or 4 cups Chicken broth
1 head minced Garlic
1 large Red Onion sliced
Salt and pepper to taste
3 tbsp. Olive Oil

Paraan ng pagluluto:
1. Isaing ang pinaghalong malagkit na bigas at jasmine rice gamit ang katas ng achuete seeds at chicken cubes. Kung ano ang dami ng tubig sa pagsasaing, ganito din dapat ang dami ng liquid na ilalagay.
2. Sa isang medyo malaking kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa olive oil.
3. Sunod na ilagay ang chicken fillet. Timplahan na ng asin at paminta. Hayaang medyo maluto ang manok.
4. Sunod na ilagay ang atay ng manok, patatas at carrots. Hayaan ng mga ilang minuto.
5. Sunod na ilagay ang tomato sauce, gata ng niyog at red bell pepper. Hayaang kumulo.
6. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
7. Ihalo dito ang nilutong malagkit at jasmine rice. Haluin mabuti.
8. Hanguin sa isang lalagyan at lagyan ng hiniwang nilagang itlog sa ibabaw.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy