BRAISED CHICKEN in HONEY-LEMON-GINGER SAUCE
Nag-audition ako sa isang cooking contest dito sa Manila. As a requirement, kailangang magdala ng isang dish na ilalaban mo para makapasok sa 2nd round. At itong Braised Chicken in Honey-Lemon-Ginger Sauce ang aking inilaban.
Simple lang ang dish na ito. Kahit nga hindi marunong magluto ay magagawa ito basta tama lang ang mga sangkap na gagamitin at tama ang pamamaraan na gagawin.
And you know what? Sa batch namin na 10 per group, 3 lang kami na nakapasok sa 2nd round. Tuwang-tuwa ako sa pangyayaring ito. hehehehe. Abangan nyo na lang ang update ko sa contest na ito.
BRAISED CHICKEN in HONEY-LEMON-GINGER SAUCE
Mga Sangkap:
1 kilo Chicken Thigh
1 pcs. Lemon (juice)
1 tbsp. Lemon Zest (from the 1 pc. lemon above)
2 thumb size Ginger grated
1 cup Pure Honey Bee
salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang manok sa asin, paminta, katas ng lemon, grated ginger at lemon zest. Hayaan ng overnight.
2. Sa isang non-stick na kawali, ihilera ang mga manok sa ilalim yung may balat na parte.
3. Isama na din yung marinade mix at lagyan ng mga 1/2 tasang tubig. Lutuin sa katamtamang lakas ng apoy. Maaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.
4. Kung malapit nang maubos ang sauce at luto na ang manok, ilagay ang honey at hayaang ma-coat ng sauce ang lahat ng manok. Huywag hayaang masunog ang honey o ang sauce.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments
gnun po b tlga lasa? thanks
Thanks for the visit....
Kayang-kaya mo yan. I'm sure masarap yang luto na magagawa mo.
Dennis