CHEESY BACON & PIMIENTO PASTA

Ito ang pasta dish na inihanda ko nitong nakaraan kong birthday. Di ba pag may birthday dapat may noodle na handa at ito na nga ang sa akin.

Kung titingnan mo and pasta dish na ito, para din siyang carbonara or spaghetti in white sauce. Pero masasabi kong iba dahil nilahukan ko ito ng pimiento o red bell pepper at pimiento flavor na Chiz Wiz.

Nakakatuwa dahil nagustuhan ng mga officemate ko ang pasta dish na ito. Yung iba nga humihingi pa ng recipe para dito. Sabi ko lang abangan na lang nila dito sa food blog kong ito. Hehehehehe.


CHEESY BACON & PIMIENTO PASTA

Mga Sangkap:
1 kilo Spaghetti Pasta (cooked according to package direction)
2large size Red Bell Pepper cut into small cubes
400 grams Bacon sliced
300 grams Sweet Ham cut into strips
1 tetra brick All Purpose Cream
1 tetra brick Alaska Evap (yung red label)
1 medium size bottle Chiz Wiz Pimineto Flavor
1/2 cup Butter
1 cup grated Cheese
1/2 cup chopped Parsley
1 head minced Garlic
1 large Onion chopped
1/2 tsp Dried Basil
Salt and pepper to taste


Paraan ng pagluluto:
1. Lutuin ang pasta according to package direction. Dapat al dente.
2. Sa isang kawali o sauce pan, iohisa ang bawang, sibuyas at red bell pepper sa butter.
3. Sunod na ilagay ang bacon, ham at dried basil. Hayaang matusdta ng kaunti ang bacon at ham.
4. Kumuha ng kaunting ginisang sangkap para maging toppings.
5. Ilagay na ang Alaska Evap, All purpose cream at chiz wiz. Timplahan na din ng asin at paminta. Hayaang kumulo ng konti.
6. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
7. Ilagay ang nilutong pasta at haluin mabuti.
8. Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang ginisang sangkap, chopped parsley and grated cheese.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy