CHICKEN CORDON BLEU

Itong dish na ito ang isa sa pinaka-una kong post sa foodblog kong ito. May katagalan na din at ngayon na lang ulit ako nakapagluto nito. Wala namang espsyal na okasyon, naisipan ko lang na magluto ng espesyal.

Kadalasan, sa mga hotel or catering service tayo nakakakita at nakakatikim ng putaheng ito. Medyo matrabaho din kasi itong gawin at lutuin. Pero kahit na matrabaho itong gawin, sulit naman pag nakain mo na.

In my first recipe, I used calamansi. Pero dito lemon naman ang ginamit ko. Masarap at talaga namang gaganahan kang kumain. Nang makita nga ng kapitbahay kong si Ate Joy na nagluto ako nito, ay nagpagawa din siya sa akin.


CHICKEN CORDON BLEU

Mga Sangkap:
5 pcs. Whole Chicken Breast Fillet (cut each into half)
5 slices Square Sweet Ham (cut also into half)
5 slices of Quick Melt Cheese (cut into 2 inches long)
Juice from 1 Lemon
3 cups Japanese Breadcrumbs
2 cups All Purpose Flour
2 Eggs beaten
Cooking oil for frying

Paraan ng pagluluto:
1. Gamit ang chicken mallet, pitpitin ang bawat chicken breast na nasa loob ng isang plastic hanggang sa numipis ang laman. About 1/2 inch.
2. Ilatag ang bawat nagawa sa isang bandehado o tray. Budburan ito ng asin at paminta. Ibuhos na din ang katas ng lemon at hayaan ng mga 1 oras.
3. Kumuha ng isang piraso ng pinitpit na chicken fillet at lagyan sa gitna ng isang pirasong ham at 1 pirasong quick melt cheese.
4. I-roll ito ng dahan-dahan. Dapat ay walang nakalabas na cheese o ham sa gilid. Ilagay muna sa isang lalagyan.
5. Igulong naman ang bawat isang nagawang roll sa harina, pagkatapos ay sa binating itlog naman at sa huli ay sa breadcrumbs. Ilagay muna sa isang lalagyan.
6. Ilagay muna ng mga 1 oras sa freezer bago i-prito.
7. I-prito ito sa kumukulong mantika hanggang mag-golden brown ang kulay.

Palamigin sandali at i-slice ito bago ihain. Maaring samahan ito ng sauce na nais. White Sauce, Chili Sauce o kahit ordinaryong catsup ay okay lang.

Enjoy!!!!


Comments

maroun said…
Wow I already taste this when I attend a wedding. I asked my sister on how to cook this but I already forget it.But thanks to you sir I can still prepare it.


Call Center Agent
Dennis said…
Thanks maroun....BTW, kamukha mo si Kim Chu....hehehehe
hi dennis!this recipe is really great. i always prepare this one during special occasions. but i just call it chicken rolls..:)also, you can replace the chicken with gardenia loaf and you have a great tasting bread roll, with thin slices of bell pepper..:)hmm sarap..btw, i'm a new member here and i find your blog really interesting..keep on posting..thanks!:)
Dennis said…
Hi Foodtechnologis88....Salamat naman at nagustuhan mo.

Yung sinasabi mo na sa gardenia loaf, I think may nabasa na akjo na ganun. Pizzaron naman ang tawag niya. May ham or salami, bell pepper at cheese sa loob at sa pini-prito. Gagawa din ako nun one of this day.

Thanks for the visit...

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy