CHICKEN with TURMERIC POWDER AND COCONUT MILK
Aksidente lang ang pagluto ko sa dish na ito, pero masarap ang kinalabasan.
Nag-request kasi ang anak kong panganay na si Jake na magluto naman daw ako ng Chicken Curry. Ang pagka-alam ko may curry powder pa ako sa lalagyan kaya naman yung iba pang mga sangkap na lang ang aking binili. Laking pagkadismaya ko ng di ko makita ang curry powder o hindi ko alam kung naubos na.
Impromtu ay itong turmeric powder ang naisipan ko na lang na ilagay. Sa isip ko, pwede na din ito magku-kulay dilaw din ang kakalabasan.
So parehong luto ang ginawa ko without the curry powder. To my surprise, masarap ang kinalabasan ng dish kong ito. To add a more asian flavor, nilahukan ko din ito ng pinitpit na tanglad o lemon grass at viola! isang masarap na ulam ang naluto ko. Nakakatuwa nga dahil gustong-gusto ito ng mga bata. Hehehehe
CHICKEN with TURMERIC POWDER and COCONUT MILK
Mga Sangkap:
1 Whole Chicken cut into serving pieces
2 cups Coconut milk (Kakang gata)
1 tsp. Turmeric Powder
1 thumb size Ginger sliced
5 cloves minced Garlic
1 medium size Onion sliced
1 tangkay Tanglad (yung white portion lang. Pitpitin)
3 pcs. Siling pang-sigang
1 large Potato cut into cubes
1 large Red Bell pepper cut into cubes
1 large Carrot cut also into cubes
Salt and pepper to taste
2 tbsp. cooking oil
Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ng asin at paminta ang manok. Hayaan ng mga 30 minuto.
2. Sa isang non-stick na kawali, i-brown ng konti ang magkabilang side ng manok. Hanguin muna sa isang lalagyan.
3. Sa isang kaserola, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa kamunting mantika.
4. Sunod na ilagay na ang manok, patatas, carrots, siling pang-sigang at tanglad.
5. Ilagay na din ang turmeric powder at coconut milk.
6. Takpan at hayaang maluto ang patatas.
7. Huling ilagay ang red bell pepper at timplahan ng asin at paminta.
8. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!

Comments