CREAM DORY in CREAMY LEMON SAUCE

This recipe is another favorite of mine. Fish fillet with creamy lemon sauce. Kahit nga mga officemate ng asawa kong si Jolly ay gustong-gusto ito. Minsan nire-request pa nila na magdala siya nito sa office.

Niluto ko ito last week bago pa ako mag-birthday. Ngayon ko lang ito na-post to give way dun sa mga dish na inihanda ko.

Hindi kagandahan ang kuha ng picture but the taste of the fish and the sauce was really very very good. Kahit nga yung tatlo kong anak, aba, isinabaw sa kanin ang white sauce na ito. Hehehehe. Ito rin pala ang ibinaon nila that day and the result was very positive.


CREAM DORY with CREAMY LEMON SAUCE

Mga Sangkap:
1 kilo Cream Dory fillet (or any white meat fish) cut into serving pieces
1 pc. Lemon (kailangan yung juice at yung lemon zest)
1 pc. Egg
3/4 cup All Purpose flour
Salt and pepper to taste
cooking oil for frying
For the sauce:
1 cup All Purpose cream
2 tbsp. Butter
Juice from 1/2 Lemon
1 tsp. lemon zest
1 tbsp. chopped Parsley
1 tbsp. All Purpose Flour
salt and pepper to taste


Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang fish fillet sa asin, paminta, katas ng 1/2 lemon at 1 tsp. lemons zest. Hayaan ng 1 oras. Overnight mas mainam.
2. Sa isang bowl, paghaluin ang harina, itlog at konting malamig na tubig. Timplahan ng konting asin at paminta. Haluing mabuti.
3. Sa isang kawaling may kumukulong mantika (dapat mga 1 inch ang lalim ng mantika sa kawali) i-prito ang fish fillet na inilubog na ginawang batter hanggang sa mag-golden brown ang kulay. Hanguin sa isang lalagyang may paper towel.
4. For the sauce: Ilagay ang butter sa sauce pan. Sunod na ilagay ang harina at halu-haluin. Sunod na ilagay ang all purpose cream, lemon zest, katas ng lemon at timplahan ng asin at paminta. Haluin mabuti hanggang sa lumapot ang sauce. Tikman at i-adjust ang lasa. Huling ilagay ang chopped parsley at saka hanguin sa isang bowl.

Ihain ang fish fillet habang mainit pa kasama ang creamy lemon sauce.

Enjoy!!!!

Comments

Abygail said…
Pwede bang alamansi na lang? Ang mahal kasi ng lemon eh! May pagkakaiba ba yun? Na-try na ata ng mami ko yun kaso hindi daw kasing lasa ng usual na creamy dory. Thanks!
Dennis said…
Hi Abygail,

Pwede naman. Iba lang talaga ang lasa ng lemon. But not for the sauce ha......
This blog is so Pinoy! Ang sarap ng pagka prito mo dito sa fish fillets...
Dennis said…
Thanks Ms. Joy....Yummy talaga ang dish na ito lalo na yung sauce....hehehe


DEnnis
Ako rin,mas type ko ang kalamansi kesa sa lemon.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy