CREAMY PESTO and BACON PASTA
Ito ang pasta dish na niluto nitong nakaraang birthday ng anak kong si Jake. Actually, siya ang may request na ito ang iluto ko. Gusto daw niya yung pasta na may basil. And to make it more special, nilagyan ko pa ito ng bacon at cream. Ang ending? Isang masarap na pasta dish ang nabuo ko.
Marami na din akong pasta dishes sa archive pero masasabi ko na espesyal ang isang ito. Sabagay, lahat naman ng niluluto ko ay espesyal lalo na at para ito sa aking mga mahal sa buhay.
CREAMY PESTO and BACON PASTA
Mga Sangkap:
1 kilo Liguine or Spaghetti pasta
500 grams Bacon cut into small pieces
100 grams Fresh Basil Leaves
1 tetra brick All Purpose cream
100 grams Kasuy (plain flavor)
1 cup Evaporated milk
1 cup Extra Virgin Olive oil
1 cup grated Cheese
1/2 cup grated cheese for toppings
1 head minced Garlic
1 medium size Onion chopped
salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Lutuin ang pasta according to package direction.
2. I-chopped muna ang basil bago i-blender.
3. Ilagay sa blender ang chopped basil, olive oil, cream at cashew nuts. Timplahan din ng konting asin at paminta. I-blender ito hanggang sa madurog ang lahat ng sangkap.
4. Sa isang sauce pan, igisa ang bawang at sibuyas sa konting olive oil o butter.
5. Sunod na ilagay ang bacon at hayaang matusta ng konti. Kumuha ng konti para sa toppings.
6. Ilagay na ang ginawang pesto at evaporated milk.
7. Ilagay na din ang 1 cup na grated cheese.
8. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
9. Ilagay ang nitong pasta at haluin mabuti.
10. Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang natitira pang bacon at grated cheese.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!

Comments