FRIED CHICKEN MARINATED in TAMARIND PASTE

Naka-kita na ba kayo ng instant tamarind paste sa inyong mga supermarket? Sa SM Supermarket sa Makati ay may nakita ako. Una ko itong sinubukan sa aking sinigang na baboy sa halip na yung pangkaraniwan na sinigang mix powder. Sinubukan ko ding gamitin ito dito sa fried chicken na entry ko for today.

Hindi ko alam kung ilang klase na ng fried chicken recipe ang meron ako sa food blog kong ito. Marami na rin kasi nga favorite ito ng aking mga anak. Kahit sino naman sigurong mga bata ay paborito din ito. Kaya naman basta fried chicken ang ulam, may gravy man o catsup lang, siguradong panalo sa mga kids ko.

Dapat sana iro-roast o lulutuin ko ito sa turbo broiler. Pero komo wala na akong oras para i-turbo pa ito, naisipan kong i-prito na lang para mas madali. Ito kasi ang baon ng mga anak ko nitong nakaraang araw.


FRIED CHICKEN MARINATED in TAMARIND PASTE

Mga Sangkap:
1 Whole Chicken cut into serving pieces
1 sachet Tamarind paste
1 head minced Garlic
Salt and pepper to taste
Cooking Oil for frying

Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang manok sa pinahalong asin, paminta, tamarind paste at minced garlic. Hayaan ng mga 1 oras. Overnight mas mainam.
2. Bago i-prito, alisin muna ang mga naka-kapit na marinade mix.
3. I-prito ito hanggang sa maluto at pumula ang balat.

Ihain habang mainit pa kasama ang paborito nyong catsup.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
Ayos ba ang asim, kuya? Parang gusto ko i-try kaya lang baka super sour chicken ang kalabasan hehe.
Dennis said…
Yung tamang dami ng asin lang....yung tamarind paste mga 1/2 cup lang yun.....kung gusto mong bawasan ok lang.....Hindi naman masyadong aasim kasi aalisin mo dinn naman yun before frying.
sarap naman nyan! though i've never tried using tamarind for chicken marinade, but i think it tastes good.

visiting from FTF
here's my entry http://busykitchenette.blogspot.com/2011/09/tilapia-with-tausi.html
Wala pa yata akong nakitang Tamarind Paste sa Asian store namin dito but I will try your recipe kapag meron.
Dennis said…
@ Pinoy Kitchenette.... Acyually sinubukan ko din lang kung ano ang magigng lasa. Nung una yung sinigang mix na powder ang ginamit ko and it works. So bakit hindi ang tamarind paste? Di ba? Thanks for visiting....
Dennis said…
@ FoodtripFriday.....Natatandaan ko nung araw pinapakuluan sa dahon ng sampalok ang manok bago i-prito. Sa pamamaraang ito nawawala ang lansa ng manok.

Try mo din yung sinigang mix na powder, pwede din yun.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy