HAINANESE FLAVOR FRIED CHICKEN
This is the chicken dish na niluto nitong nakaraang birthday ng anak kong si Jake. Hainanese flavored fried chicken. Sabi ko nga, request niya ang halos lahat ng pagkaing aking niluto.
Noon ko pa gustong i-try na magluto ng Hainanese Chicken. Para kasing napakadali lang nitong lutuin. Yun lang ang sauce ang nadadala sa dish na ito at yun ang hindi ko pa nagagawa.
Naisipan kong bakit hindi itong hainanese chicken na ito ang i-fried ko at ihanda ko sa birthday ng aking anak? At yun na nga, ito ang kinalabasan sa aking experimento. Parang max fried chicken din siya kagaya ng nasabi ng aking asawang si Jolly. At kagaya ng nasabi ko sa itaas, ang sauce ang magdadala sa fried chicken na ito. Well, simpleng Jufran Banana catsup lang ang ginamit ko dito para parang max ang dating. hehehe. Also, para maging extra crisp ang balat, palamigin lang muna pagka-prito at saka i-pritong muli.
HAINANESE FLAVORED FRIED CHICKEN
Mga Sangkap:
8 pcs. Chicken Legs
2 thumb size Ginger (pitpitin)
1 large Onion quartered
1 head Garlic
2 tangkay na Leeks
2 tangkay na Tanglad (yung white portion lang. Pitpitin din)
2 pcs. Chicken cubes
salt and pepper to taste
1/2 cup patis
cooking oil for frying
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, pakuluan ang tubig na may sibuyas, bawang, leeks, tanglad, luya, chicken cubes. Timplahan na din ng asin at paminta. Hayaang kumulo ng mga 5 minuto para lumabas ang flavor ng lahat ng mga sangkap.
2. Ilagay ang mga chicken legs. Lutuin sa loob ng mga 15 minuto.
3. Hanguin ang chicken legs at ilagay sa isang palangganang may malamig na tubig at yelo. Hayaan ng mga limang minuto.
4. Alisin ang manok sa tubig na may yelo at i-drain.
5. Ilubog ang magkabilang side ng manok sa patis. Lagyan din ng konti pang asin. Hayaan ng mga 15 minuto.
6. I-prito ito sa kumukulong mantika hanggang sa pumula ang balat. Para mas crispy ang balat, palamigin sandali ang piniritong manok at muling i-prito.
Ihain kasama ng paborito ninyong catsup. Maari ding maghalo nga grated ginger, grated garlic, peanut oil at konting asin at paminta para maging sawsawan.
Enjoy!!!!

Comments